JAXSON Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Dadaan pa sana ako sa bar kung saan kami nagkikita ni Hermes, pero hindi ko na tinuloy dahil gusto ko na ring magpahinga. Napagod din ako sa biyahe. Nang marating ko ang bahay namin napansin ko ang katahimikan. Hindi ko nakita ang sasakyan ni Daddy. Malamang nasa opisina pa siya at mag-o-overtime. Nakita ko ang sasakyan ni Mommy na nakaparada sa tapat ng garage. Pagkapasok sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng katahimikan. Maliwanag ang buong kabahayan pero walang tao. Naramdaman ko na naman ang kalungkutan sa puso ko. Kanina lang masaya ako, pero ngayon malungkot na naman ako. Sino ba naman kasing hindi malulungkot sa ganitong uri ng buhay namin? I don’t have sibling. May magulang nga ako ngunit madalas wala rito

