JAXSON “Pasensya ka na sa inasal ng anak natin.” Hinging paumanhin ni Ava. Ngumiti ako. “Naiintindihan ko siya. Huwag kang mag-alala hindi ako galit sa ginawa ng anak natin. Ako ang dapat magpakumbaba sa aming dalawa. I am so sorry kung hindi ako naging mabuting tao. Maybe deserve ko ang treatment sa akin ng anak natin.” May bumikig sa lalamunan ko. Pinigilan kong maiyak. “Jaxson, nakaraan na ang mga nagawa mo. You’ve been trying to change dahil iyon ang alam mong tama. Sa kabila ng nangyari hindi mo naisipang sirain ng tuluyan ang buhay mo. You’ve changed yourself into a new person. I am so proud of you.” Hindi ko makapaniwala na proud si Ava sa pagsisikap kong magbago. Nangilid ang luha ko at napayuko. Ayokong makita niyang naiiyak ako. “Salamat Ava sa pang-unawa. Sa kabila ng gin

