AVA “Nay, nandito na po ako!” Tawag ko sa kanya. Nang makapasok sa bahay namin ay agad kong lumapit sa kanya at nagmano. “Bakit ngayon ka lang anak? Alas sais na ng gabi?” Tanong niya sa akin. “May tinapos po kaming report sa isang subject. Hapon na po natapos, eh? Bakit ang aga niyo po yata ngayon, Nay?” Takang tanong ko sa kanya. Nilapag ko ang bag sa ibabaw ng lamesa namin. “Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya nagpaalam muna akong mag-under time sa trabaho.” Kinapa ko ang noo ni Nanay. Medyo mainit nga siya. “Uminom na po ba kayo ng gamot? Hindi niyo na sana ako hinintay. Nagpapahinga na lang sana kayo.” Sermon ko sa ina. Napangiti si Nanay sa sinabi ko. Hinaplos niya ang balikat ko. “Siyempre naman ngayon ko lang naman gagawin ito. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na

