JAXSON Labag sa kalooban kong iwanan si Ava. Gusto kong matulog sa inuupahan niya, pero nag-decide akong huwag muna siyang gambalain. Alam kong inis na inis siya sa akin dahil sa kakulitan ko. Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Kaleb upang ayain siyang uminom. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa inis kay Candy. “Hey, bro! Ano’ng atin?” Tanong ni Kaleb. Buntonghininga ang sinagot ko. “It seems you have a problem. Am I correct? I'm free today,” sabi niya. Kahit hindi ko man sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon, he knows me. I ended the call. I start the engine and leave the place. Sinalubong ako ni Kaleb sa bungad palang ng pintuan ng condo niya. Napatingin ako sa loob. Malinis at maayos ang condo niya. Unlike sa akin parang dinaanan ng buhawi. I’m not u

