AVA Napangiti ako nang maalala ang nangyari last time. Pinagluto ako ni Jaxson ng sinigang na baboy. Super sarap at nabusog ako. Napangalumbaba ako habang nakatingin sa malayo. Biglang may sumiko sa akin na nakapagbalik sa kasalukuyan. Napairap ako nang makita si Kara. Malawak ang pagkakangiti niya na parang may nakitang kakaiba sa mukha ko. Sigurado bibruin na naman ako. “Hala! Maraming puso ang mata mo, o? Lumulutang sa ere!” Aniya at tinuro ang taas na parang nakalutang ang sinasabing mga puso. Grabe naman lumulutang na puso? Nandito na naman ang kaibigan kong bully. “Ang OA mo,” sabi ko. Tumabi sa akin si Kara. “Ikaw ha, uma-absent ka na. Sumama ka kay Jaxson, no? Naku Ava, pwede ba tigilan mo na si Jaxson. Hindi porke’t malungkot ang tao pagbibigyan mo ang gusto niya. Tandaa

