AVA Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa gate ng school namin. Palinga-linga akong naglakad patungo sa room ko. Napansin kong parang may sumusunod sa akin kung kaya napahinto ako sa paglalakad at lumingon. Ngunit wala namang nakasunod sa akin. Napailing ako. Kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko. Nakarating ako sa room namin ng wala namang nangyaring masama sa akin. Sa sulok ng room namin nakita ko si Kara na nakaupo. “Kara!” Tawag ko sa kanya. Napaangat siya ng tingin. Sumenyas siyang lumapit ako sa kanya. Naupo ako sa tabi niya nang makalapit sa kanya. “Bakit ang tagal mo? Aba, naunahan pa kita. Usually ikaw ang nauuna sa akin.” Pagtatakang sabi niya. “Na-traffic kasi ang dyip na sinakyan ko kanina. Pasensya na.” Hinging paumanhin ko. Napatingin ako sa isinusul

