AVA Isang linggo ang nakalipas. Dito na ako tumira sa bahay ng lola ni Jaxson. Kapag weekend umuuwi siya rito. Para kaming magka boardmate, iyon ang turingan namin ngayon ni Jaxson. Malaki ang pinagbago niya. Naghanap ako ng trabaho sa internet. Buti na lamang may internet access dito. May nakita akong isang company na naghahanap ng empleyado na puwede sa part-time. Sinulat ko ang number sa papel. “Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa sunod nang sunod sa akin? Para kang anino ko.” Birong wika ko. Natawa lang si Jaxson. Tumalikod. Napailing ako sa inasal niya. “May interview ako sa Monday,” sabi ko kay Jaxson. Napangiti siya sa akin. “Good luck!” sabi niya. Pagkagaling ko sa company na in-apply-an ko ay umuwi ako agad. Masaya ako at natanggap naman ako sa work. Napakunot noo ako da

