Kinabukasan nagising ako na nasa bisig ng mahal ko. Tumingin ako sa mukha nito para sana mapagmasdan ngunit sobrang gulat ko ng makita ko ang dilat na mga mata nito. "Good morning love," inabot ko ang kanyang labi at hinalikan ito ng mabilis. Hindi pa ito makuntento hinawakan nito ang aking ulo at hinalikan ako nito. Pinalalim nito ang halik na ginagantihan ko naman. "Maliligo na ako may flight pa tayong mamayang alas nuwebe." Tumayo ako. Ang maglakad sa harap ni Cross ay hindi na bago sa akin. At wala na akong maramdaman na hiya. Kumuha ako ng mapalit na damit. "Sabay na ako sa'yo." Ngumuso ito. "Ayoko nga! Ang hapdi pa kaya ng pagitan ko," humahapdi pa rin hanggang ngayon ang pagitan ko. Ilang beses kaya may nangyari sa amin kagabi at sumasakit na ang pagitan ko kahit pa sabihin

