Chapter 30

1481 Words

six years later.. Lara "Mommy, punta ako sa bahay nila lola." Sabi ng limang taong gulang kong anak na si Jayden. "Mamaya na lang anak. Mainit pa sa labas oh." Ani ko. Ngumuso naman sya. "Eh di magdadala ako ng payong." Napasimangot naman ako sa sagot nya. Manang mana talaga sa pinagmanahan eh. "Mamaya na lang anak ha. Wag nang mapilit kung ayaw mong mapalo sa puwet." Malumanay kong sabi pero may halong pagbabanta. Sumimangot naman sya. "Sige na nga. Basta mamaya punta po ako dun ah." "Oo, gusto mo dun ka pa matulog eh." "Talaga?" Nagniningning ang mga matang tanong nya. Gusto gusto nyang matulog dun sa bahay nila mama dahil spoiled na spoiled sya. "Joke lang." Nakangiti kong sabi. Lalo pang humaba ang nguso nya. "Ang gara mo naman po mommy." Ngumisi ako sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD