Lara MATAMAN KO lang pinagmamasdan si James at si Geraldine na magkausap sa porch. Inabisuhan na ako ni Jarred na darating ang huli ngayong araw para bisitahin si James. Wala naman si Jarred dahil sumaglit sa resto. Ang triplets naman ay nakikigulo din sa mag ina. Mabuti na lang at magiliw din sa kanila si Geraldine. Tinawag ko si Nora at nagpagawa ng juice at sandwich para sa mag ina. "Infairness maganda ang interior design nitong bahay nyo ha. Sigurado akong si Jarred ang may ideya nito. Ganito kasi ang mga tipo nya." Ani Geraldine ng kaming dalawa naman ang magkaharap sa sala at pagala gala ang mata nya sa loob ng bahay. Naiwan naman si James at ang triplets sa labas at naglalaro ng basketball. Ngumiti ako. "Ako ang may ideya nito. Lahat ng nakikita mo idea ko yan." Sabi ko. Nawa

