Lara "Parang ang bilis mo naman yatang magpakasal." Ani ko habang hinahatid ko sya palabas ng gate. Bumuntong hininga naman sya at humarap sa akin. "Buntis na kasi sya at ayoko namang lumabas na bastardo ang anak ko." Ngumiti sya ng tipid sa akin. Tila naumid naman ang dila ko sa sinabi nya at ilang sandaling hindi nakapag salita. "Mahal mo ba sya?" Nagkibit balikat sya at namulsa. "Ina sya ng magiging anak ko, hindi naman siguro ako mahihirapang mahalin sya." Humugot ako ng malalim na hininga para mawala ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. "Masaya ako para sayo." Sabay ngiti ko sa kanya. "Talaga?" Tumango ako. Walang dahilan para magdamdam ako dahil una sa lahat walang kami. Inisang hakbang nya ang pagitan namin at niyakap ako. Tinapik tapik ko naman ang likod nya. "Th

