Lara Kumakalabog pa rin ang dibdib ko sa kaba habang pisil pisil ko ang aking mga daliri. Tahimik lang akong nakaupo sa sofa kaharap si mama na nakatingin lang sa akin at bumubuntong hininga. At si papa naman ay nakaabang sa pintuan sa pagdating ni Jarred. Alam kong disappointed silang dalawa sa akin. At ganun din ang mararamdaman ni kuya Luis kapag nalaman nya. "Magandang hapon ho Mang Gery." Dinig kong bati ni Jarred. Dumating na pala ito. "Walang maganda sa hapon tarantado ka!" Walang ano ano'y inundayan ni papa ng suntok sa mukha si Jarred. "Pa!" "Gery!" Sabay kaming humahangos na lumapit ni mama kay papa. Ni hindi man lang natinag sa kinatatayuan si Jarred pero putok na ang gilid ng labi nya na kanyang pinapahid ng daliri. Naluluha namang tumingin ako sa kanya. Nag aal

