ANG bigat ng pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang sarili ko na narito sa isang kwarto. Wala akong ibang marinig kung hindi ang hikbi ko. Siguro ilang minuto ko ring binabantayan ang sarili ko kahit na hindi ko alam kung paano at bakit ako nkarating doon, natigil lamang iyon nang may biglang bumukas ng pinto. Nagulat pa ako dahil biglaan ang pagbukas niyon, kasabay ng liwanag na pumasok sa loob ng kwarto. Ilang segundo ko ring hinihintay kung sino ang nagbukas niyon ngunit sa sobrang liwanag ay hindi ko maaninag. Tutok lang ang mata ko sa tapat ng pinto, natigil na rin sa paghikbi ang isa ko pang katauhan at pakiramdam ko ay naghihintay din siya kung sino ang nagbukas ng pinto. Pagkaraan ng ilang minuto, may isang lalaki ang sumulpot. Isang lalaki na matikas, maganda ang awra niya at

