Grabe ang kabog ng dibdib ko dahil una, hindi ko alam kung nasaan ako at pangalawa, sino ba 'tong nasa likod ko. Nang makapag-ipon ako ng lakas ng loob ay lumingon ako sa aking likuran at nang makita ko kung ano ito ay nakahinga ako nang maluwag. Yung paborito ko lang palang unan at nandito ako sa kwarto ko. Pero paano ko napunta rito? Ang alam ko, kasama ko si Aaron sa bus stop. "Hays... hindi na mahalaga iyon," sabi ko na lamang sa sarili ko at saka tuluyan nang natulog. AARON'S POV "Ilang beses ka nang niloko, tanga ka pa rin. Lapit kasi nang lapit sa taong hindi ka naman pinahahalagahan," sabi ko sa isip ko habang nakatingin kay Leiden na kanina pa tulog habang nakasandal sa balikat ko rito sa bus station. Sa totoo lang kasi, matagal talaga dumaan yung mga bus na daraan sa kun

