"Parang tanga ka naman, tatawag ka pa eh tanaw naman kita mula rito!" panenermon ni Carrisa sa akin. "Mas tanga ka, halos araw-araw naman tayong nagkikita kukumustahin mo pa ako!" sagot ko sa kaniya at saka kami nagtawanan. "May problema ba?" agad niyang tanong. "Bakit ka naman makikitulog sa amin?" dagdag niya pa. "Tara sa likod. May ikukwento ako pero wag kang masyadong maingay ha? At ipangako mong friends pa rin tayo," saad ko sa kaniya at saka pinatay ang call. Marahan naman kaming nagtungo sa likod kung saan tinitimpla ang mga kape. Medyo private kasi iyon kaya mas feeling ko ay doon ang pinaka safe na lugar para ikwento ko sa kaniya yung mga nangyari sa akin kagabi. Maliban kasi sa sarili ko, siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin. "Halika! Bilisan mo. Ang kupad mo t

