CHAPTER 13
"ARE YOU ready, baby?" Nadinig ko ang pagsigaw ng lalaking mahal ko mula sa labas ng pinto nang kuwarto ko.
"Not yet, baby!" Balik na sigaw ko sa kaniya mula sa luob ng aking kuwarto.
"Make it fast, baby. They waiting to us!"
"Faster, then."
Tatlong buwan na ang lumipas simula nang maging kami ni Iurence at sa tatlong buwan na pagsasama namin ay wala kaming ibang ginawa kundi ang iparamdam kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
Minsan ay nagiging missing in action na ako pagdating sa mga kaibigan ko pag pumaparty sila, pero minsan naman ay pumaparty din ako kasama nila. Kaya lang ay may possessive boyfriend ako at hindi ako pinapayagan magisa duon.
Lagi siyang sumasama sa amin at halos hindi na pakawalan ang beywang kong lagi niyang hawak, pag may lalapit sa akin at makikipag-kamustahan lang naman ay iniiwas niya ako.
At siyempre kapag naman sa kaniya may lumalapit na babae at halos maging sardinas na ito sa pagkakasiksik ng sarili sa boyfriend ko ay hinahalikan ko ito sa harap nila.
Si Iurence naman na tuwang tuwa ay hinahapit din ako papalapit sa kaniya at hahalikan ng mariiin, lagi kaming ganuon sa club. Minsan ay lumalabas kami at halos hindi na nga kami mapaghihiwalay pa.
Suot ang Leg slit darker green dresses ko at ang Emerald green sandals ko ay lumabas ako ng kuwarto ko, tama lang ang make-up na inilagay ko dahil mabigat sa mukha kung kakapalan ko.
"Bakit ba ang tagal mo naman, baby?" Bungad sa akin ni Iurence.
Sinimangutan ko siya at ngumuso ng bahagya, "Ayaw mo na ba sa akin?" Mangiyak ngiyak kong tanong sa kaniya.
"Hell no, who the f**k told that? Of coure not!" Agad na bawi niya.
"E-eh, bakit n-naiinip ka?" Bahagya pa akong suminghot sa harapan niya.
Napapadyak siya sa sahig at niyakap ako, "I'm sorry, baby. Sorry na, hindi na mauulit. Baby, sorry, huh?" Sinilip niya ang mukha ko.
"Promise?"
"I promise, baby. So stop crying, will you, baby?"
Naglambingan pa muna kami ni Iurence bago bumaba ng building ng condo ko, sa daan patungong La Salliva Hotel Luxury ay hindi na ako mapakali pa sa inuupuan ko.
May family dinner kami ng pamilya niya at nang pamilya ko, balak ni namin na sabihin na may relasyon kaming dalawa ni Iurence.
Pero hindi naman na dapat ako nakakaramdam ng ganito dahil magkakilala naman na ang pamilya namin, but still, I'm feeling too nervous. And I hate that feeling.
Sana naman hindi nila kami tututulan ni Iurencce dahil ipinapangako ko na tatalikuran ko ang lahat ng mayruon ako ngayon para sa taong mahal ko, para kay Iurence. Isasakripisiyo ko ang lahat para sa kaniya.
Sabihan na akong tanga dahil lang tinalikuran ko ang buhay ko para sa taong mahal ko pero para sa akin hindi tanga ang desisiyon ko. Maging hibang man ako sa paningin nila ay wala na akong pake makasama ko lang siya.
Aba, e, nag drama pa naman ako sa harap niya nung anniversary ng mga magulang ko tapos magiging malungkot din pala kami.
"Hey, what's the matter, baby?" Napalingon ako kay Iurence nang ito ay mag-salita.
"Nothing, I am just thinking some things.. you know...?" Simpleng sabi ko at iwinagayway pa ang kamay.
"Care to tell me what's the some things bothering to my future wife? You look too pale, and nervous." Sabi niya at pasulyap sulyap pa sa akin.
Napangiti na lamang ako nung sabihin niyang future wife kaya nag iwas ako ng tingin sa kapulahan kong mukha ngayon.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya at isinandal ang aking ulo sa head board ng upuan, napabuntong hininga na lamang ako hanggang sa maramdaman ko ang pag hawak niya sa aking kamay na nakapatong lang sa aking hita.
Hindi ko siya nilingon at sapagkat ay tumulala lamang sa labas ng bintana at nag mukmok, mabibigat ang mga buntong hinga kong pinkawalan dahil hindi na talaga ako matigil sa pag iisip.
"Baby?!" May pagbabantang tono ang narinig ko mula kay Iurence.
Isang malalim at mabigat na pagbuntong hininga pa ang pinakawalan ko at umupo ng maayos, nagcross arm ako at tumingin lang sa daan.
Nuon ko lamang napansin na tumigil na pala ang sinasakyan naming kotse sa isang daan, ganuon ba talaga ako kalalim mag isip at pati iyon ay hindi ko man lang naramdaman o nakita man lang?
"I am just wondering, what if they don't accept our relationship? What if they get mad at me? What if they separate us? What if Mommy and Daddy suddenly marry me to another man I don't love or you to other women? What if-"
Naputol lamang ang pag sasalita ko about sa mga ifs na pumapasok sa aking isipan ng ikulong niya sa mga palad niya ang makinis kong pisngi at siilin ako ng matamis na halik sa aking labi.
Kusang pumikit ang mga mata ko at siniil din ng halik ang kaniyang labi, mayamaya pa ay siya na rin ang naghiwalay ng mga ito. Nakita ko kung paano siya nagmulat ng marahan.
"Listen, baby. No matter what happens later in our dinner with our family you will always remember, I can leave everything I have now.. just be with you." Aniya nang marahan sa akin.
Feeling ko ay maluluha na ako sa mga sinasabi ng lalakit ito sa akin ngayon.
"Wala akong pakialam sa kahit ano man ang sasabihin nilang masasakit na salita sa atin, at isa pa mabait naman ang mga magulang ko. Mukha nga lang sopistikada si Mommy pero mabait iyon. Keep it in your mind, baby."
"B-but-"
"No buts, baby. As I said.. hurtful words are not deadly, but you will only feel the pain and next time you will learn to fight back. Now, just seat there and relax. Don't pressure your self, you are too beautiful for pressure."
Natawa ako sa sinabi niya at nang sundan pa niya iyon ng kindat. Hinalikan niya ako sa aking nuo at saglit na niyakap, mayamaya ay kinambiyo na niya ang sasakyan at pinaandar.
I can't still imagined that one of the Goven clans are now officialy mine.
Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang matatayog na mga gusali dito sa Manila, marami akong nakikita na mga motels and condominiums. Lumiko pakaliwa ang sinasakyan namin, natanaw ko ang isang gusali na may malaking karatula at nakasaas duon ay ang 'Vini Hotel'.
MMM Condominium, Lux Motel, Mani Rest at marami pang iba. A sweetly smile formed into may sweet lips because I can see the La Salliva Hotel Luxury, napapalakpak pa ako ng makababa na kami.
Munit kahit na ganuon ay hindi mawala ang kaba ko sa aking dibdib nang matanaw ko ang pamilya namin sa restaurant ng motel. Masaya silang naguusap usap habang may mg appetizer na sa table.
May mga pagkain na din naman na halos lahat ay mukhang masasarap at maeenjoy kong kainin. Nang makalapit kami sa kanila ay isa-isa ko silang hinagkan. Ganuon din naman ang ginawa nila sa akin.
"How are you, hija? Your too beautiful as always." Bungad sa akin ng Mommy ni Iurence na si Mrs. Goven.
"I am good, tita. Thank you!" Ngiti ko sa kaniya.
"Hihi, take a sit, honey." Si Mommy.
"Thank you, Mom." Ako kay Mommy.
Nang makaupo kami ni Iurence ay inalok nila kaming kumain, hindi ko maiwasang mailang sa tinginan ng mga magulang namin ni Iurence. Paano ba naman kasi ay magkakatinginan sila Mommy at Mrs. Goven tapos sabay bubungisngis ng mahina.
Si Daddy at Mr. Goven ay parehong nakangisi habang pasulyap sulyap sa aming dalawa, ang tanging nakikita ko lang na walang pakialam sa mundo ay ang bunso kong kapatid na si Limer na prenteng kumakain na animoy hindi alintana ang presensiya ko.
"Ahem." Tumikhim ako upang maiwasan ang pagkailang na nararamdaman. Munit pinagsisihan ko din ng madako ang mga paningin nila sa akin, "Ah.. ehh.." Nag-isip ako ng sasabihin. "..."
"What's the problem, honey?" Si Mommy.
Inilibot ko sa kanila ang paningin ko at napansin kong may kulang, agad na may lumitaw na maliit na ilaw sa utak ko at napangisi.
"Where's kuya Lucas?" Kunwariy tanong ko.
Nakita kong bumagsak ang balikat ni Mommy at Mrs. Goven kaya naman natawa ako ng bahagya. Ano naman kaya ang nasa-isip mo Mommy? Mrs. Goven?
"Hmm.." Si Daddy, "Luna, your older brother Lucas can't come. He is busy in Davao, he takes care of his business there. You know your older brother, even though he is very womanly, he still benefits our family."
"Sus, nagpapakitang gilas lang po iyon, Daddy. You know him better, Daddy. For sure he had a woman there with him. Ow, wait. Look at this." Inilabas ko ang phone ko at nagkalikot. Nang makita ang hinahanap ay ipinkaita ko iyon sa kanila. "See? He was with Myca. God, guide my good brother. Pinagpalit niya si ate Themarie para sa babaeng ito, I can't believe this."
Nadinig ko ang tawanan nila kaya naman ngingiti ngiti kong tinignan yung photo, larawan iyon na in-upload ni Myca Mendi sa i********:. Magkaakbay sila ni Kuya habang ngingiti ngiti ang dalaga, akala mo maganda, e, mukha namang paa.
Muntik pa akong masuka ng makita ko ang caption na inilagay ni duon, may pa-bebe bebe pa!
@MycaM. > I love you, babe. I told you that no matter how many times I cheat on you, you will come back and you will come back to me too!
Hindi ba niya alam na ginagawa na lamang siyang parausan ng maloko kong kapated, hindi na niya gusto si Myca at ang habol na lang ni Kuya ay s*x. Kahit kailan ay ang tanga talaga ng babaeng iyon.
Si ate Them ay ang dating asawa ni kuya Lucas, sa lahat nang naging girlfriend ni kuya ay tanging si ate Them lang talaga ang nagustuhan ko. Maganda siya at mabuting tao, na kumbaga inside and out, she's beautiful and I admire her for being a good person.
Hindi ko nga lang alam kung ano ang nagyari sa kanila at nagkahiwalay silang dalawa, dahil nuon ay talagang iniidulo ko ang pagmamahalan nila. Akala ko pa nga ay wala ng makakapag-palayo sa kanilang dalawa e.
But one day, everything changed. Everything they put together seemed to disappear like a bubble. Umalis si ate Them ng pilipinas at hindi ko na alam pa kung nasaan siya.
Ang sabi ni kuya ay si ate Them daw ang may maling nagawa kaya naman seperated na sila at nag-file na daw si ate ng divorce papers, but there is only one thing I am sure of. Pakana ni Myca iyon, dahil nuon pa lang ay napapansin ko na siya sa mga ikinikilos niya at sa mga tingin niya kay ate Them lalo na kapag magkasama sila kuya at ate.
At kapag napatunayan ko ng may kasalanan siya, I swear, kahit sino pa siya at kahit gaano pa kataas na tao ang pamilya niya ay sisiguraduhin kong maghihirap siya. Buhay ang kinuha niya kaynila kuya at ate, hindi man buhay ang ipapalit ko ay sisiguraduhin kong wala siyang kawala sa akin.
"Hey, are you alright, baby?" Napatingin ako kay Iurence ng hawakan niya ang kamay ko.
Noon ko lang napansin na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa phone ko habang matalim na nakatingin sa larawan ni Myca at kuya, napabuntong-hininga ako at itinago ang phone ko sa pouch ko.
"Yeah," Simpleng sagot ko sa kaniya at ngumiti.
Tumango na lamang siya kahit may pagtataka pa din sa mga mata niya habang nakatingin sa akin, hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesita na nakapatong sa mga hita ko at pinisil pisil iyon.
"Uhm, ate Luna?" Napabaling ang paningin ko sa kapatid ko na inosenteng nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Iurence. "Why are you holding brother Iurence's hand, huh? Do you two have a relationship?"
Para akong natuod sa kinauupuan ko ngayon at para bang gusto kong mangutos ng bata ngayon, grabe! Saan siya natuto ng deretsuhang tanong? Hindi naman siya ganito nuon.
Narinig ko ang pag singhap ng mga tao sa paligid namin nang dahil sa sinabi ng lapastangan kong kapated.
Tumikhim ako at isa-isang tinignan sila Mommy, hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita kong may sumusupling na ngiti sa mga labi ng mga nagulang namin munit itinatago lamang nila.
"A-ahh... Ehh..." Hindi ko malaman ang sasabihin ko kaya naman kinuha ko ang isang baso ng tubig na nakapatong sa ibabaw ng lamesita.
Nakakanerbiyos, hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako. Knowing my Dad, he didn't want me to have a boyfriend while I hadn't finished college. My father is okay with me barking and flirting, as long as I don't get into a relationship first, especially if I'm not sure.
Lalo pang tumibay iyon ng makita niyang nasasaktan ako ng dahil kay Aaron at nang dahil sa pinaggagagawa nun sa akin.
"Ehem!"
Napa-angat ako ng tingin kay Iurence ng tumikhim siya at panay ang lunok, tumayo siya at bahagya pa ang yumuko kaynila Mommy.
What is he doing? Is he confessing that we have a relationship? Oh God! Hindi ako handa dito, ah! Lintek na lalaki ito, nangunguna. Hmmp!
"Good evening, Mom, Dad, Tito and Tita. I just want to say that.. that.. that Luna and I have been in a relationship for almost three months." Deretsong sabi ni Iurence na halong maghingal hingal pa.
F L O R E S S A R A H M A E | F.S.M