LWIS 1

1473 Words
Pagod na pagod na talaga ako. I swear, kung may diploma lang sa pagtanggap ng rejection ay valedictorian na siguro ako. Huminga ako nang malalim habang inaayos ko ang brown envelope na kanina ko pa hawak-hawak. Nandun nakalagay ang printed resumes ko, ilang kopya pa ba ang natitira? Hindi ko na mabilang. Feeling ko puro luha at disappointment na rin yung tinta. Naka faded jeans lang ako at fitted na white tee, medyo luma na pero maayos pa naman. May maliit na sling bag akong dala at suot na tsinelas na halos kapareho na ng pagod ko sa buhay. manipis, but still surviving. Nakaupo ako sa sementong upuan sa tabi ng kalsada, katabi ang isang puno na nagbibigay ng konting lilim. Siguro kung wala tong punong ‘to ay naluto na mukha ko sa init. 3 PM na pero parang 12 high noon pa rin. Province heat never fails to punish. Habang pinupunasan ko yung pawis sa noo ko ay napatingin ako sa mga dumadaan. May mga naka corporate attire, office ID at may mga naka heels pa. lahat sila parang may direksyon. Purpose. Stability. Samantalang ako? Direction: anywhere na may hiring. Purpose: makahanap ng trabaho kahit ano pa yan. Stability: hahahaha next question please. “Lord, Hindi naman ako humihingi ng mansion, sports car, or jowa eh. trabaho lang po, please.” bulong ko habang nakatingin sa langit. Natawa nalang ako mag-isa. Ayan na, hysterical stage. Kanina pa ako paikot-ikot sa area. Convenience store, grocery, clothing shop at fast food chain. lahat napasukan ko pero lahat sila ay iisa lang ang sinasabi. “We’ll call you, Miss.” “We’ll keep your resume on file.” “We're not hiring at the moment.” Yung last pa talaga pinaka nakakagalit. kung hindi kayo hiring bakit may sign sa pinto niyong Now Hiring? Decoration ba yun? Pampaganda lang? Interior design??? Tapos yung sasabihin nila na tatawagan ka nalang namin tapos in the end mamumuti nalang mata mo kaka intay na tawag nila. Like duh? bakit ganon ang mga HR? pwede naman nila i direct ka na hindi ka po qualified, ganon lang kadali eh! hindi yung mag papa-asa pa sila ng mga applicant. Haynako. Baka sinusubok lang talaga ako ng universe. Napabuntong hininga nalang ako at sabay tumingin sa gilid. May maliit na kariton na may nakalagay na Palamig 10 pesos only. May matandang babae doon na naka sombrero at pawis na pawis pero nakangiti. Kahit tipid mode ako ay parang ang sarap uminom. Desperately need cold sugar to survive life and humiliation today. Tumayo ako sa kina-kaupuan ko tsaka lumapit kay Nanay, baka sakaling ma-ibsan ng tig sampung palapig ang natutuyo kong utak. “Manang, isang melon po.” Ngumiti siya habang nilalagyan ng yelo yung baso. “Mukhang pagod na pagod ka, iha.” saad ni Manang. Hindi lang pagod Manang, mas gusto ko nalang maging hotdog sa frezeer. “Interview po sana pero ligwak ulit. Baka hindi talaga para sa akin magtrabaho.” Napangiti ako kahit masakit. Paano naman kase, imbis mag apply ako para kumita eh ang ending ubos na pera ko kaka apply. Tapos puro nganga naman ang nangyayare. Minsan gustuhin ko nalang maniwala sa sinasabi ng iba eh. Kapag gusto mong yumaman, kumapit ka sa patalim. Eh kung mag benta nalang kaya ako ng Sha- Shawarma.... “Ay naku, huwag kang ganyan magsalita.” sagot niya habang iniaabot yung palamig. “Si God, may timing yan. Minsan kailangan mo lang tiisin yung proseso.”dagdag pa niya. Umupo ako sa maliit na plastic stool sa tabi niya at ininom ang palamig na mukhang hindi pa aabot sa lalamunan ko. “Kung proseso ito, Manang parang sobrang haba naman. Wala bang fast-forward?” natatawang sagot ko. FF agad. yung tipong andon na agad ako sa payaman era. Ang hirap maging dukha. Natawa si Manang. Yung tawang parang yung kapitbahay mo na nakikipag chismisan sa kanto. “Sana nga meron ‘no? Lalo na sa pag-ibig. Mas maraming gusto mag fast-forward doon.”sagot ni Manang. Aba't na mention pa nga about love. Nako mukhang may asim pa si Manang. “Ay, sa pag-ibig po? pass muna ako.” natatawa kong sagot. “Trabaho lang po muna ang goal ko.” Aanhin ko yang pag ibig na yan? Nakakain ba yan? “Trabaho?” tumigil siya sandali at parang may naalala. “Iha, naghahanap ka ba talaga?” tanong nito. Ay hindi Manang, Guilt trip lang ako. Nagpapasa lang ako resume para tumakbo sa susunod na halalan. “Super po.” Sagot ko agad. Mabilis pa sa test paper na may sagot sa likod. Baka kase kapag sinagot ko ng pabalang si Manang baka biglang isampal sakin yung tabla niya eh. Pala isipan din sakin kanina pa eh, Nagtitinda ng palamig si Manang pero may tabla? ano yun? tinder ft. labandera? Kumindat si Manang na para bang inaakit ako kaya napa ngiwi ako. Manang naman! Older woman na trentahin ang bet ko hindi yung literal na Older woman na puro uban na! Edi sana nag Afam nalang ako na matanda. “Alam mo, yung anak ko nagtratrabaho sa Saavedra mansion. Yung mga mayaman sa bandang dulo ng village. Nabanggit niya na kailangan daw nila ng katulong. May mga umaalis daw kase choosy daw yung mga amo pero mukhang mabait ka naman. Baka gusto mo subukan?” Habang sabi ni Manang. Natigilan ako. MANSION? AS IN MAYAMAN??? Wait lang. Masarap din pala makipag tsismisan no? may mga pakinabang din pala pagiging marites. Mansion = intimidating. Mayayaman = pwedeng terror. Katulong = general maid duties.. meaning? Labada, linis, luto at plantsa, lahat. Pero.. Stable job and free pagkain siguro at may tirahan pa maybe? At higit sa lahat? trabaho. Finally. “Talaga po?” kumislap ng mata ko at ngumiti ko. First time today, may Good news “Oo. Saavedra. Kilala yun dito. Bigatin. Pero mababait naman daw. Tsaka babae yung may-ari.” Sagot nito. Napataas kilay ko. “Babae? Siya yung boss?” Tumango si Manang. “Yup. Siya ang Saavedra. Elegant, tahimik at classy. Basta may dating pero yung aura niya? parang kailangan mo sumunod talaga.” Elegant. Classy. May aura. So parang CEO vibes, socialite and intimidating goddess type?? Lord, bakit parang pang-w*****d bigla buhay ko? Sana hindi horror edition. “Pero iha, warning ko lang ha. Strict daw yon at ayaw niya ng tamad. Ayaw niya ng maingay. At ayaw niya ng problema.” dagdag ni Manang. Oh. So Neptune, be quiet and work like ninja type. Kaya pala choosy. Kaya pala walang tumatagal siguro. Pero kaya ko ito. Kailangan ko ng trabaho. “Manang, paano po ako makakapunta doon? I mean paano po mag apply doon?” Inabot niya yung scrap paper at nagsulat ng address. Binigay niya sa akin sabay kurot sa braso ko nang mahina. May pa kurot pa nga. “O, oh. Tadhana na yan. Punta ka bukas ng umaga. Sabihin mo nirefer kita ni Aling Mercy.” Sabi niya pa. “T-thank you po, Manang Mercy.” “Huwag ka mag-thank you sa akin. Tsaka kana magpasalamat pag natanggap ka. Tsaka beh, wag ka masyadong tense ha? Smile ka. Baka isipin ng mayaman, anak ka ng mafia.” Biro nito. Wag kang maingay dyan Manang baka malaman nila yung tinatago kong sikreto. Anak ako ng Mafia na nagpapanggap na katulong. Oh diba? Sana true to life nalang talaga. “Mukha ba akong anak ng mafia? Sa tsinelas ko pa lang po, clearly hindi.” natatawang sabi ko. Pagka-ubos ko ng palamig ay tumayo nako. “Pero Manang legit ba ito? Hindi po ito human trafficking ha?” Paninigurado ko. Baka mamaya scam si Manang tapos napunta ako sa mga sindikato tapos ibebenta ang katawan ko. Kawawa naman ako. Pinandilatan niya ako ng mata. “Ano ka ba, hindi. Diyan ka sa gate 3 dumaan. Country club area yun. Hindi ka ibebenta, iha. Baka ikaw pa bumili ng mansion balang araw.”Natatawang sagot niya. Natawa ulit ako. Sana nga. Habang naglalakad ako palayo habang hawak ko yung papel na may address, and for the first time today.. may felt hope in my chest. Yung tipong hindi yung naka-3-in-1 coffee na hope, pero yung legit brewed coffee level. Baka.. baka ito na talaga. Baka ito na yung sagot sa lahat ng paghihintay ko. At kung sinasabi nilang When God closes a door, He opens a window.... Well. Ready na akong pumasok sa kahit anong bintana, pader, o gate #3 ng rich village basta may trabaho sa dulo. “Saavedra Mansion..” bulong ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung ano naghihintay sa akin doon. Pero bahala na. Bukas, haharapin ko yun. Kahit sino pa yung Saavedra na yun, Sana nalang talaga hindi siya monster. Pero kung monster man siya? At least may sweldo. Oh kaya bampira para magpapa kagat nalang ako sa leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD