LWIS 3

1851 Words
Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat nang todo ang araw pero gising na gising na ako. Siguro dahil sa excitement o dahil sa kaba na baka hindi talaga para sakin ang mundong papasukin ko. Pero nandito na ako, at wala na akong atrasan. Nakasalansan ang mga damit ko sa isang maliit na eco bag at isang lumang duffel bag. mga lumang t-shirt, dalawang pantalon at isang dress na pang-special occasions na hindi ko pa nga nasusuot. Feeling ko, mukhang limang taon na itong hindi na-i-iron. Sana hindi ako mapansin. Huminga ako nang malalim habang naglalakad papunta sa gate ng Saavedra Mansion. The farther I walked, the smaller I felt, parang bawat hakbang palapit ay tinatanggal ang maliit kong mundo at pinapalitan ng mas malaking realidad, isang mundong hindi akin. Pagdating ko sa harap ng gate ay nandoon ulit si Manong Guard. Naka-smirk pa yan kahapon pero ngayon? parang mas maamo na ang aura niya. Baka nakatulog ng mahimbing. “Maaga ka ah." sabi niya habang binubuksan ang gate. “Mukhang seryoso ka talaga sa trabaho.” Ngumiti ako kahit kinakabahan. “Oo naman po, Manong. Sayang naman po ang pagkakataon.” Tumango siya. “Good. Welcome back sa Saavedra mansion.” At yon na. Pagpasok ko ay ramdam ko agad yung lamig ng hangin. Hindi lamig ng aircon kundi lamig ng katahimikan at yaman. Doon ko ulit nakita ang malaking fountain na parang laging sumasayaw ang tubig kahit walang hangin. Nakakalula. Kahit ilang beses ko pang makita ay parang hindi ako masasanay. “Isabella!” isang tinig ang tumawag. Si Ate Lulu habang may hawak na pandilig habang nakayuko sa mga halaman. Naka-smile siya agad nung nakita ako na akala mo'y parang matagal kaming hindi nagkita. “Ate Lulu, good morning.” bati ko. “Tamang tama. Halika, i-tour ulit kita bago ka magsimula." sabi niya at agad na nilapag ang hawak niyang hose sa gilid. Sinundan ko siya papasok ng mansion and Wow. Kahapon akala ko malaki. Pero ngayon na medyo mas kalmado ang utak ko, mas lalo lang siyang lumaki. Ang mga chandelier ay parang hindi ilaw. parang mga bituin na bumaba para lang para mag-crystal formation. Yung sahig? puwedeng salamin, gandang tingnan. Parang every corner ng mansion may sariling kwento at presyo na hindi ko kayang isipin. “Dito ang magiging kwarto mo.” sabi ni Ate Lulu habang binubuksan ang pinto sa isang maliit pero maaliwalas na room sa servant’s quarters. Maliit kumpara sa buong mansion pero para sakin? Parang hotel na. May sariling kama, maliit na cabinet at bintanang may puting kurtina. “Wow..” bulalas ng bibig ko nang hindi sinasadya. “Tama na yang pag-wow mo.” natatawang sabi ni Ate Lulu. “Malulula ka pa lalo sa mga susunod na araw.” Nilapag ko ang bags ko sa kama. Naiyak ako ng konti sa loob-loob ko. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa bigat ng pangarap. Ang dami kong kailangang patunayan. “Kumain ka muna sa staff dining. Tapos uniform mo, nasa cabinet. Your schedule starts today.” Tumango ako. “Sige po, Ate Lulu. Salamat po talaga.” “Nako, huwag ka magpasalamat. Trabaho to. At sabi ko nga, huwag ka din kabahan. Hindi naman nangangain si Senyorita Sabine.” Tapos bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. “Minsan lang.” Gusto ko tumawa pero parang hindi ko kaya. Si Sabine? kahit pangalan niya pa lang ay nakaka-pressure na. Sa staff dining hall, simple lang. Long table, plastic plates at amoy ng pan-umagang sinangag. May dalawang kasambahay na kumakain, pareho naka uniform black dress with white apron. “Baguhan ka?” tanong ng isa, nakangiti. “Ah, oo. Isabella po.” “Ako si Mara ito naman si Joy. Mabait mga tao dito wag ka kabahan.” “Depende.” sabat ni Joy habang ngumunguya. “Pag nakita mo si Miss Sabine in real life, baka ma-starstruck ka pa.” Napahinto ako. “Starstruck?” “Naku, oo!” ani Mara. “Ang ganda nun parang artista. Tapos ang tindig? Naku, parang queen.” “Hindi kame nagbibiro, besh.” dagdag ni Joy. “Pag nag-walk yon sa hallway, tumitigil buong paligid. Parang humihinto pati hininga mo.” Umiling ako at napangiti. Hindi ko akalain na ang mga maid ng gantong mansion may fandom vibe sa amo nila. Pero deep down, kinabahan ako. Paano kung ma-intimidate ako? Paano kung mabasa niya sa mukha ko ang tunay kong intensyon? Hindi. Hindi pwede. Kailangan seryoso lang. Habang kumakain ako, biglang tumunog ang bell. Hindi yung doorbell ordinary, parang bell sa movies na pang mansion talaga. “Breakfast is served for the household.” sabi ni Mara. “Meaning, gising na si Senyorita.” Parang biglang humina ang sikmura ko kahit kakakain ko pa lang. Ito na. Today, baka makita ko na siya ulit. Pagkatapos kumain at mag-ayos ay sinamahan ako ni Ate Lulu para mag-start. “Unang assignment mo muna simple lang, Linisin mo itong east hallway tables and vases. Wag ka muna sa mga malalapit sa main living o sa mga personal items ni Miss Sabine.” Sabi niya. Tumango ako. “Copy po.” “Isabella..” bulong niya. “Hinga.” Napatawa ako nang mahina. First task of the day ay dusting the hallway antiques. Sounds simple. Pero hindi madaling mag-clean ng vase na mukhang mas mahal pa sa buong buhay ko. At bawat dampi ng feather duster ay feeling ko baka maputol hininga ko kung mabasag ko ito. Tahimik ang hallway. Nakikita ko ang reflection ko sa marble floors na simple shirt, apron at buhok na tinernohan ng simpleng clip. Sino mag-aakala na papasok ako sa ganitong mundo? Habang naglilinis ako ay may marinig akong tunog ng heels. Hindi mabilis. Hindi mabagal. Yung tipong lakad ng taong walang kailangan habulin at lahat lumalapit sa kanya. Huminto ako. Ang hangin ay biglang natahimik. Doon ko siya una talagang nakita nang malapitan. Sabine Amoret Saavedra. Naka suot ng white silk robe na dumadampi lang sa sahig, parang hangin ang tela. Walang makeup pero flawless, parang morning sun itself ang nakatayo sa harap ko. Naka tali ang buhok niya loosely sa likod pero kahit ganon ay regal pa rin. Hindi siya nagulat makita akong naroon. Instead, tumingin lang siya sa akin saglit. sharp yet calm eyes then tumuloy sa paglakad. Pero nung sakto kaming magkasalubong ay tumigil siya. Tumingin siya sa vase na nililinis ko then sa akin. Hindi siya nagsalita. So hindi rin ako. Pero Gosh, yung tingin niya? Parang kaya niyang i-analyze buong pagkatao ko in one second. “You’re new.” Tinig niya soft pero may authority na parang kahit bulong ay pa utos. Mukhang hindi niya ata ako na alala kahapon. sino ba naman kase ako? “O-opo, Ma’am.” Napalunok ako. “Isabella.” Tumango lang siya. “Don’t scratch the Murano glass.” Murano.. murano narinig ko na yon. Mahal yon diba? Mahal as in baka kidney ko hindi enough sa sobrang mahal. At bago pa ako makasagot ay lumakad na siya ulit. Iniwan niya akong hindi makahinga at hindi makagalaw. Nung nawala na siya sa paningin ko ay doon lang bumalik ang ingay ng mundo. Putek. Bakit parang nag-freeze ang utak ko? Hindi ko alam kung natakot ako o na-mesmerize. Pero ayusin mo sarili mo, Isabella. She’s a Saavedra. And you’re here para mag trabaho. Hindi para mag day dream at manigas sa presensya ng amo mo. Hindi ka dapat matitinag. Dapat siya ang matulala sa ganda mo. The rest of the morning ay halos nakatulala ako habang naglilinis. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang eksena. Yung simplicity yet presence ni Sabine. Yung way she stared. Yung boses niya na parang velvet na may sibat sa loob. “Tuloy lang nang tuloy, Isabella. Hindi ka nandito para mag-daydream. Focus.” bulong ko sa sarili ko. Pero kahit anong mantra ko ay ramdam ko pa rin yung parang kuryente sa spine ko kanina. Hindi siya normal intimidation. Something else. Something dangerous. Tanghali na at sabay-sabay kami kumain sa staff dining. Kalmado lahat. pero ako? Parang hindi pa rin grounded. “Kamusta first morning?” tanong ni Ate Lulu. “Okay naman po” sabi ko, pero may halong ngisi. “Na-meet ko po ulit si Miss Sabine.” Biglang nagsigawan yung dalawa kanina sa table. “Ano sabi?!”, “Mabait ba?!”, “Hala, tumingin ba siya sayo?! Masama ba? Mabait ba?” sabay na sigaw nung dalawa. Napatawa ako. “Um.. neutral?” Tumawa sila. “Neutral means good. Kasi kung masama tingin niya, alam mo agad.” Wow. So kahit tingin may ranking dito. Dumating ang hapon at natapos ko na ang gawaing binigay. Pahinga muna bago bagong tasks. Lumabas ako sandali sa garden. Andun yung fountain at andun mga halaman at syempre andun ang katahimikan. Pero di ko akalain na may tao rin pala. Si Sabine. Habang nakaupo sa garden bench at nagbabasa ng libro. Parang eksena sa pelikula. Sunlight hitting her face, eyes half-focused sa page, legs crossed. I was about to turn around dahil ayoko ng awkward moment but she spoke. “Come here.” Shet. I froze. Tumingin ako sa likod baka may iba siyang kausap pero wala. “You’re Isabella, right?” “Yes po." halos pabulong. “I like knowing who’s in my home.” May something sa tono niya. Hindi threatening pero hindi rin simpleng interest. Parang laging may subtext ang mga salita niya na may layers. At ako? feeling ko isa lang akong tahimik na nota sa malaking piyesa niya. “Set down the baskets.” sabi niya while pointing sa tray ng garden tools na dala ko. “You can finish those later.” Umupo ako sa gilid pero hindi sa tabi niya, kundi ilang steps away respectable distance lang. Tumingin siya sa langit sandali, then sa akin. “Do you like the view here?” Oo. Sobra. Pero hindi ko masabing obvious yon. “A-ah maganda po. Tahimik.” “Silence is a luxury.” she whispered, as if hindi para sa akin yung line, kundi para sa sarili niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may bigat sa tinig niya nun. Like may mundo siyang hindi nakikita ng iba. “Welcome to the house, Isabella.” dagdag niya. “Do your work well, and you’ll be fine.” Ngumiti siya. Hindi full smile pero sapat para hindi ako makahinga. Then she stood, walked away, leaving a faint scent of jasmine and something expensive na hindi ko ma-name. Pag alis niya ay napaupo ako nang masyari sa bench. Ano ba itong napasukan ko? Katulong pero bakit parang may ibang humihila sa direksyon ko? Hindi ako dapat matulala sa kagandahan. Hindi ako dapat ma-blind ng elegance niya. Hindi ako dapat ma-curious sa kung sino siya beyond the heiress title. Pero habang naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa fountain at habang nagba-bounce pa sa isip ko ang mga salita niya.. Hindi ko maiwasang ma-intriga. Saad ng puso ko ay parang may kwento siya. Pero bakit parang.. Parang gusto ko ring maintindihan siya. At yon ang pinaka-delikado. Or sadyang chismosa lang talaga ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD