MARINA’S POV Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa isang kilalang Luxury Mall. Hindi ko alam kung bakit dinala niya ako rito. "Anong ginagawa natin dito?" lingon ko sa kanya at sinuklian niya lamang ako ng kanyang ngiti. "Iihi lang tayo dito tapos uuwi na?" tawang saad niya dahilan upang suntukin ko ang kanyang kaliwang braso. "Aray masakit yan babe ha." "Ang sabihin mo oa ka lang masyadon kang madrama para kang bakla." "You're hurting your husband and that’s not good," saad niya na napakaseryoso gusto ko na tuloy maniwala ngunit di niya napigilan ang di ngumiti. "For your information mister, you’re not my husband," saad ko at napansin agad ang pag-iba ng kanyang kulay. "Yet," I added. Agad niya naman akong hinawakan sa kamay ng pagkahigpit higpit at sume

