Epilogue

228 Words
Ang aking pangalan ay Ameerah, ang aming pamilya ay nasa middle class lang.  Si papa ay engineer at si mama naman ay isang mabutihing maybahay.  College sweethheart si papa at mama, hindi nga lang nakapagtapos si mama dahil sya ay nabuntis at ako nga ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. "Anak anong gusto mo maging paglaki mo?" tanong sakin ni papa "Papa, baby pa ako, di ko pa po naiisip kung anong maging gusto ko" naalala kong sagot kay Papa "Hmm. Gusto mo bang maging Engineer katulad ni Papa?" "Hmmmm. . Gusto kong maging katulad ni mama!" "Ehhh. Bakit naman baby ko?" "Gusto kong maging ina tulad ni mama, mapagmahal na asawa at ina sa kanyang anak. Gusto ko balang araw maging ilaw ng tahanan" "Napakaswerte ng lalaking mamahalin mo anak" "Sympre nama......" "Pa?" Kasabay ng paglaho at pagdilim ng kapaligiran . . "Papa!" naiiyak kong tawag kay papa wala akong makita. Natatakot na ako.  Tinawag ko ulit si Papa pero wala akong marinig na sagot mula kay sa kanya, tanging rinig ko lang ay isang mahinang tunog ng isang makina. Hindi ko mawari kung saan or ano ang tumutunog! "Ameerah!" Si mama! Si mama ang tumawag sa akin. Pero nasaan si mama? "Mama!" Sigaw ko habang tumatakbo! Takbong hindi alam kung saan patungo.  "Papa!" "Mama!" At sa wakas, may tunog akong naririnig. Nakakabinging ingay.. Nakakabinging iyak.. Nakakabinging sigaw.. Anonh nangyayari?. Kasabay ng pagtigil ng tunog ng makina,  Isang mumunting hikbi ang aking narinig Kasabay ng pagtigil ng tunog ng makina...... ay...  Ang pagbukas ng aking mga mata....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD