GWYNETH'S POV "SORRY, OKAY?" ani Grey pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nandito ako kami ngayon sa kwarto ko pero nakabukas naman ang pinto. Baka kasi biglang dumating si Aubrey, at bigla akong bulagain. Ayoko naman isipin niya na nasa loob ng kuwarto ko ngayon si Grey at nakasara pa ang pinto. Ayokong isipin niya na gumagawa kami ng mga bagay na para lang sa mag-asawa. Hindi ko pa rin pinansin si Grey at patuloy lang sa pag-aayos ng mukha ko. Gamit ang ilang mga kolorete na binigay sa akin ni Aubrey noong pumasok ako sa The Alchemist. Required kasi roon na mayroon kang light make up. Kaya sa ilang buwang pagtatrabaho ko roon gabi-gabi, nasanay na rin ako sa hitsura ko na mayroon akong mga ganito sa mukha. "Hey, you're still mad? I didn't know you're done," depensa niya sa sarili. T

