GWYNETH'S POV MALAKAS ANG tugtog na nagmumula sa music player ng sasakyan ni Grey kaya naman, in-enjoy ko lang ang kantang napapakinggan kahit hindi ko naman alam kung ano iyon. Nagpaalam ako kay Mama Love at sinabing babawi na lang sa susunod dahil hindi natapos ang kasunduan naming ito na ang huling araw ko. Na-note pa tuloy ako as absent. Gusto kong sisihin ang katabi ko ngayon na si Grey pero choice ko rin naman 'to. Kaya sige, namnamin ko na ulit ang katangahan ko. Nanatili akong nakatingin lang sa labas ng bintana at hindi kumikibo. Papadilim pa lang naman kaya malaya ko pang nakikita ang mga tanawin sa paligid bagamat puro building at mga bahay-bahay lang iyon. Hindi kami nagkikibuan kaya hindi rin ako kumikibo. Hinahayaan ko lang siya sa buhay niya. Kung ano ang gusto niya, bahal

