SEVEN

1173 Words

SEVEN Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Hangover! Iginala ko ang paningin ko sa paligid pero kahit anong subok kong isipin kung nasaan ako, bigo akong malaman. Hindi pamilyar ang silid. "Gising ka na pala!" ngumiti si Angelo sa akin, may bitbit itong tray na may lamang pagkain. Anong meron dito? Ba't parang ang saya-saya nito? "Kumain ka muna, saka ka uminom ng gamot pantanggal hangover!" inilapag nito iyon sa mismong kama, habang may malawak na ngiti sa labi nito. "Nasaan ba ako?" tanong ko rito. Masyadong masakit ang ulo ko para makipagbangayan sa lalaki kaya maayos ang tunog ng mga salitang pinakawalan ko. "In our house!" umupo ito at akmang pagsisilbihan ako ngunit inagaw ko ang kutsara. Akala mo ulirang asawa ang kupal na ito. "Hangover lang 'to, hindi ako imbalido!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD