THREE

1170 Words
THREE Kalmado lang akong kumakain ng isaw habang unti-unting lumalapit ang mga ito. "Mga tol, alam n'yo ba kung anong ibig sabihin ng TDMKA?" tanong ko sa mga ito. Natigilan naman ang mga ito at Waring nag-isip."Ayieeee nag-iisip sila, may utak ba kayo, mga tol?" mapang-asar na tanong ko sa mga ito. Sinamaan tuloy ako nang tingin. Saka nagsalita ang isa. "Ano?" tanong ng isa. Waring napaisip talaga sa inembento kong salita. "TDMKA? Takbo dahil mukha kayong aso!" sabi ko sabay hagis sa mga ito ng bote ng alak at ng plastic ng isaw. Sayang 'yon, pero mahal ko ang buhay ko. Kaya ko naman sila pero hindi ko ita-take risk ang kutis ko baka magalusan, eh 'di nalaman pa ng magulang ko ang escapades ko. Baka kapag nakarating sa mga ito ay madagdagan pa ang mga bodyguards na bubuntot-buntot sa akin. Mas mahirap iyon. Humabol ang mga ito sa akin. Buti na lang runner ako. Humalo ako sa mga estudyante at nang makakuha nang pagkakataon sumabit sa Jeep na tulad ng ginawa ng mga estudyante. Ngising-ngisi ako na kumaway sa mga gangster wannabes na humahabol pa sa Jeep. Halata sa mga mukha nila ang inis habang tinatanaw ako na ngayon ay nakalulan na sa jeep na palayo sa mga ito. Umuwi na lang ako. At dating gawi akyat bakod gang na naman ako. At walang nakaalam na lumabas ako. Saktong makapasok ako sa silid 7:10 pm na. Naligo muna ako, pagkatapos kong maligo, saka ko binuksan ang tv. Sumalampak sa sofa at naghanap ng magandang channel. Napansin kong nag-ri-ring ang phone ko. Agad akong tumayo at dinampot iyon. Si Landon. "Oh?" maangas na ani ko sa binata. "Nakauwi ka ba nang maayos?" tanong nito sa akin, ngumisi ako nang marinig ko ang sinabi niya. "Ulol ano 'to? Pa-fall Gago!" sabi ko na may malutong na tawa. "Tsk, stupid! I'm not pa-fall!" Haha ang sungit ng kulot na 'to. Pero ito lang naman ang ganito sa akin, 'yong dama ko talaga ang concern. "Nandito na ako sa bahay 'tol, naka ilan kayo?" cool na tanong ko rito. "Anong naka ilan?" bobo rin talaga 'to. Hindi agad na gets ang tanong ko. "'Di ba kasama mo 'yong chicks mong kolehiyala? Saang kanto mo tinira?" sanay naman na ito sa bibig ko. "Bunganga mo!" inis ang tinig nito. Pero ako kasi 'yong tipo ng tao na walang pake. Joke lang naman 'yon, sa magkakaibigan ang mga ganitong inside jokes is fun. Nagiging foul lang kapag may 'di kaibigan na nakisawsaw. Ikwenento ko rito ang nangyari kanina. Feeling ko nga kaya nanahimik ito ay sinisisi nito ang sarili. Pero wala lang naman yun sa akin, ayaw kong madieta ang aking kaibigan. Natapos lang ang kwentuhan namin nang kumatok ang kasambahay ko kaya dali-dali akong nagpaalam dito. "Dinner is ready!" pormal na sabi ng kasambahay. Taray umi-english. Mas demure pa 'yong kasambahay ko kaysa sa akin eh. "Okay, yow!" sabi ko with full energy. Kitang-kita ko nang mapangiwi ito. Feeling ko tuloy weirdo na ang tingin sa akin nito. Sa bahay na ito, lahat ng kasambahay at bodyguards dumaan sa madugong interview. Kung kumilos sa loob ng mansion akala mo nasa isang 5 star hotel. Kahit sa pagsisilbi nila sa akin kulang na lang may magpaypay at may gumiling-giling sa harap tulad ng kung paano i-assist ang isang maharlika. Amputs. "Miss tumatawag po ang Mama ninyo!" Uminom muna ako ng tubig bago iyon sinagot. "Yes?" ani ko agad pagkakuha ng phone na iniabot ng kasambahay. "Hi anak, kumain ka na ba? Nagbilin ako sa chef na healthy foods lang ang i-serve sa'yo, sinunod ba n'ya?" tanong ni Mama. "Yes!" tipid kong sabi. Kaysa humaba pa ang usapan."We should end this call baka may makarinig pa sa'yo!" sabi ko. Noong bata ako, ako 'yong halos magmakaawa sa Mama at Papa ko na habaan ang usapan namin kasi na-miss ko sila. Pero habang namumulat ako sa reality, nawalan na ako nang pakialam. Sinanay ko ang sarili ko na 'di umasa sa atensyon ng mga ito na kahit kailan ay hindi ng mga ito maibibigay sa akin dahil tiyak na ikasisira ng mga ito. "Ana-k? Nagtatampo ka ba kay Mama?" gusto kong sabihin na hindi lang tampo ang nararamdaman ko. Pero ayoko, ayokong mag-alala ito at ayoko ring maging pabigat sa mga ito. "No Ma, iniisip ko lang na baka may makaalam nito! Bye!" iniabot ko na sa kasambahay ang tawag saka tumayo na rin at iniwan ang 'di pa ubos na pagkain at nag-decide na umakyat na lang ng silid. Itutulog ko na lang ito. Para may energy ako sa mga escapades ko bukas. Kaso kinabukasan, akala ko normal na araw lang. Tatakas sa mansion at magpapakasaya. Sana hindi ko na lang ginawa. Sana nagmukmok na lang ako sa silid ko nanood ng tv, natulog at nagbasa ng libro. "Pakawalan nyo sabi ako!" hiyaw ko sa mga lalaking may hawak sa akin. Wala si Landon na pwedeng tumulong. Walang bodyguards na pwedeng promotekta. Ang meron lang, sarili ko kaso mahigpit ang hawak ng mga ito sa akin. Akala ko simpleng inuman lang kasama ang mga tropa. Ang hindi ko alam may plano pala sila, nanghihina ako dahil sa gamot na inilagay nila sa alak ko. Gising ako, may malay tao pero parang nakalutang sa ere ang katawan at walang kontrol. Saka lang bumalik ang lakas ko pero hindi sapat para makawala sa mga ito. "'Wag kang magulo, tataniman ko ng tinga 'yang ulo mo!" sabi ng isa, saka idinikit iyon sa aking tagiliran. "Tanga, sa taas ang ulo! Nasaan ang utak mo?" hiyaw ko rito. Nagtawanan ang mga kasama nito na ikinainis ng lalaki at dinutdot ang dulo ng baril sa sintido ko. "Gago ka, kung 'di ka lang type ni boss baka kanina ka pa patay!" sabi nito. "Boss? Sinong boss?" sigaw ko sa mga ito. "Sino pa ba? Eh 'di si Boss Jecko!" mariin akong napapikit. Sa lahat ng taong iniiwasan ko si Jecko pa talaga, d'yos mio anak ito ng politiko sa lugar na ito, plus alam ng lahat na myembro ito ng isang grupo na 'di takot sa batas. Kahit medyo nanlalambot pa, sinubukan kong magpumiglas. "Kahit anong gawin mo, si boss ang makakadali sa'yo!" nagtawanan ang mga ito. Mabuti dahil mabilis akong nakakuha ng tyempo at sinipa ang mga ito. Nadampot ko ang nabitawang baril ng isa at pinatamaan ang mga ito sa paa. Saka binitiwan ang baril at tumakbo nang tumakbo sa abot ng aking makakaya. Nang marating ko ang kalsada gusto kong maiyak sa sobrang frustration. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala ring sasakyan na dumaraan. Wala akong cellphone, kahit nga ang bag ko ay wala. Tumakbo ako nang tumakbo. Sa isip ko takot na mahabol ng mga ito. Nakahinga ako nang maluwag ng may sasakyan padating. Agad akong humarang sa gitna. At mariing napapikit. Akala ko katapusan ko na, pero hindi dahil nakapagpreno naman ang driver. Dinig na dinig ko ang malutong nitong mura. Hanggang sa tuluyang nagdilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD