CHAPTER:2

1010 Words
CHAPTER 2 Pagkagaling ni Madel sa paaralan dumiritso na siya sa kanilang bahay. Naabutan niya si Lara at Dany na nagtatawanan sa kanilang sala. Nangunot ang noo ko sa aking nakikita. Napaligon sila sa akin. "Oy, Couz. Nandito ka na pala?" nakangiting saad ni Lara kay Madel. Kumaway naman si Dany sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. "Magkakilala kayo?" maang na tanong ko sa kanilang dalawa. "Ahm, Yes, couz. I'm met him sa tindahan ninyo sa market. Right Dan?" baling nito kay Dany. Hindi nito alam kanyang nararamdam. Kakaiba ang dating nito sa kanya sa paraan ng pagkakabigkas ng kanyang pinsan sa pangalan ng kanyang kaibigan. "Ay, oo nga pala Madel. Pasensiya na nakalimutan kong sabihin sa iyo," tugon naman si Dany sa kanya. "Okay," walang ganang sagot ni Madel. Ilang saglit lang at nagpaalam sa dalawa para umakyat na sa kanyang silid. Naiwan pa rin ang dalawa na tuloy pa rin ang pagtatawanan. Nakaramdam ng pinong kirot sa kanyang dibdib si Madel. Umusbong ang paninibugho para sa kanyang pinsan. Dahil sa maraming taon na magkakasama sila ni Dany hindi niya ito nakitaan ng kakaibang kislap sa mata ng kaibigan habang tinitigan nito si Lara. Pabagsak na sinara ang pinto ni Madel. Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan niya. Bahagya siyang tumingala upang pigilin ang nagbabadyang mga luha sa kanyang mata. Hindi niya gusto ang kanyang nararamdam ayaw niyang masira ang pagiging close nilang magpinsan dahil sa isang lalaki. Ngunit kahit ano'ng pigil niyang huwag mapaiyak tuluyan pa rin bumagsak ito. Ilang taon niyang lihim na minahal si Dany ang kanyang matalik na kaibigan. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon dahil natatakot siya na baka layuan lamang siya kapag nalaman ito ni Dany ang kanyang lihim na pagtatangi para rito. Kaya ngayon hindi man lang alam nito na lihim siyang nasasaktan. Kaya pala minsan lamang silang magsabay ni Dany sa pag-uwi dahil mauna na ito. May Lara na pala na naghihintay sa kay Dany. Hindi katulad noon na malimit silang mapagkamalan na magkasintahan dahil palagi silang magkasama ni Madel papasok at pauwi galing skwela. "Haist, ano ka ba Madel? Bakit ka umiiyak? Eh, ano naman ngayon? Wala ngang kayo 'di ba?" tila hibang na kinakausap nito ang sarili. "Wala kang karapatan na masaktan. Haler, kaibigan ka lang. At isa pa ano ba ang laban mo kay Lara. Maganda iyon at sexy. Hindi katulad mo na manang kung manamit," patuloy na palatak nito sa kanyang sarili. Tila batang pinahid nito ang kanyang luha gamit ang kanyang mga palad nang marinig nito ang marahang katok sa kanyang silid. Nagmamadaling inayos niya ang kanyang sarili bago tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Lara. "Couz, umuwi na si Dan. Hindi ka na mahintay na bumaba may pupuntahan pa daw ito," saad ni Lara. Nilakihan niya ang bukas ng pinto upang tuluyang makapasok silid ang kanyang pinsan. Mas lalong nanikip ang dibdib ni Madel sa narinig. Dati lang hindi magawang umalis ni Dany hangga't hindi sila nagkausap. Pero ngayon iba na. Tila balewala na siya rito. "Ahem," tumikhim siyang upang alisin ang bikig sa kanyang lalamunan. Ayaw niyang malaman ni Lara na nasasaktan siya sa ginawang pakipaglapit ng kanyang kaibigan sa kanyang pinsan. "Maghahanap lang chix iyon," pinipilit niyang pinatatag ang boses at huwag pumiyok. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagkangiwi sa mukha ni Lara sa dahil sa kanyang sinabi. "Do you think. Ganyan siya, Couz?" malungkot na tanong ni Lara sa kanya. "Huh! Sino?" maang-maangan niyang tugon. "Si Dany? Crush ko kasi siya, Couz. And I think may pagtingin rin siya sa akin because the way he treated me," kaninang malungkot nitong tinigvay napalitan ng kilig. "Naku! Hindi. Mabait 'yon at saka masipag," puri ni Madel sa kaibigan. "At hindi lang iyan, Couz. Guwapo pa," halatang kinikilig na saad ni Lara sa kanya. Kinabukasan masakit ang ulo ni Madel. Dahil sa madaling araw na itong makatulog at umiiyak ito kagabi. Mugto ang kanyang mata. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang sinabi ni Lara kagabi. Mariin niyang ipinikit muli ang kanyang mata at bahagyang hinilot ang kanyang sentido.. Pinilipit niyang bumangon at naligo. Pababa pa lang siya ng hagdan ay naulinagan na nito ang boses ng lalaki sa kanilang kusina. Nakaramdam ng kasiyahan si Madel nang nakatingim sa kanya si Dany. "Tinanghali ka yata ng gising anak?" nag-aalalang tanong ng kanyang inay. "Nag-aral ako kagabi, Nay. Kaya natagalan ako ng gising," sagot ko sa aking inay. Halos madapa-dapa na si Madel sa ka mamadali. Tumatagaktak na kanyang pawis sa kakalakad. Dahil hinahabol niya ang oras ng kanyang kalase. At ng dumating na siya sa pangalawa palapag ng kanilang gusali may tumawag sa kanya ay agad ito napalingon. Ang isa pala niyang ka kaklase na si Clarissa. "Madel, Ano'ng oras ka uuwi mamaya?" tanong nito sa akin. "Ahm, hindi ko pa alam Clarissa mamaya na tayo mag-uusap nandiyan na proof ko," saad nito ni Madel sa kanyang ka klase. Halos buong oras naglakbay ang isipan ni Madel. Dahil sa. mga nakikita kilos ng kanyang matalik na kaibigan at pinsan nito Lara. Napagtanto ni Madel wala na talaga siya pag-asa sa kanyang nararamdaman. Kaya nagpasya si Madel ibaon na lamang ito sa limot Tinuon na lamang niya sa pag-aaral ang kanyang sarili at lalabanan niya ang kanyang damdamin sa tuwing makikita niya ito si Dany at Lara. She's 4th year college student. taking BSTM o Bachelor of Science in Tourism Management. Sobrang thankful si Madel kahit sa pagtitinda lamang sa palengke ang kina bubuhay nila nakakuha siya ng isang Scholarship kaya nakapag-aral siya ng gusto nito kurso dahil hindi sapat ang pera kinikita ni Nanay niya. Naawa naman din si tiya niya kaya tumulong na rin.Sa ibang mga gastusin sa pag-aaral niya. Tinawag siya sa kanyang ka klase na si Clarissa. "Madel, can I barrow your book for this week? Gusto ko kasi humabol sa iba nating lessons," pakiusap ni Clarissa kay Madel. "Sure, walang problema Clarissa, ayusin mo na pagkaka upo mo nandyan na professor natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD