Chapter 1

1365 Words
Chapter 1 If all things fail Sai Tip. Tap. Tip. Tap. Binasa ko ang pangibabang labi ko, gustuhin ko mang uminom ng tubig ay hindi ko magawa. Pinanatili ko ang mga tingin ko sa mga kasamahan ko sa lamesa, walang gustong gumalaw o kahit pumikit man lang. Tip. Tap. Tip. Tap. Mabibilis ang mga kamay na pinanatili ko ang mga mata ko sa screen habang ang mga kamay ay mabilis na pumipindot. Kaunti na lang, kaunti na lang. Nakakita ako ng opening sa base ng kalaban mabilis akong kumuha ng item para bumilis ang kilos ng hero ko, nanunuyo na ang lalamunan ko. Naramdaman ko ang pagsipa sa akin ni Archer na katabi ko lang- alam ko, maghintay ka. Kaunti na lang, kaunti na lang. Mas binilisan ko ang takbo habang inaabot ng paa ko ang saksakan ng kompyuter ng kalaban, napabuga ako ng hininga ng maramdaman ko ito. Tinignan ko ang mapa at nakita kong palapit na yung isa kong kalaro, muli kong binasa ang mga labi ko at agresibong pinagpipindot ang mga keys sabay bunot sa cord ng computer ng kalaro ko. “AH! s**t!” agad namang sinipa ni Archer ang sapatos sa gilid para mapatay ng kusa ang AVR Power ng hilera ng PC namin. “PUTANGINA ANONG GINAWA MO?” sigaw ng kalaban namin. Bumuga ako ng hangin at nagpanggap na naiinis habang kinukuha ko yung bag ko, mas maganda na yung handa kaysa magkagulutan. “MANANALO NA TAYO!” nagsisigawan na yung dalawa naming kalaban, marahan naman akong tinapik ni Archer at sinenyasan na nakuha niya na ang pusta namin. Mabilis kaming yumuko palabas ng kompyuter shop, malalaki ang katawan ng kinalaban namin at hindi ako pwedeng mabugbog ngayon dahil malapit na ang monthly evaluation lagot ako kay Kuya Sais pagnagkataon. Inabot ko ang sapatos na sinipa ni Archer, kay Kuya Eli ‘to baka mauna pa akong mawalan ng dorm kaysa makatakas sa mga dambuhalang ito. Patuloy pa rin sila sa pagsisigawan at pagisihan, paglingon ko aba nasa pintuan na si Archer. “TEKA!” Napapikit ako at inosenteng lumingon. “Saan ka pupunta ha?” Inosente kong tinuro ang pinto. “Namatay yung computer ‘di ba? Wala namang nanalo so sisibat na?” “KINUHA NILA YUNG PUSTA!” “Babye!” sigaw ko at kumaripas ng takbo, paglabas ko napakalayo na ni Archer aba ang loko iniwan talaga ako. “Gago talaga!” sigaw ko at mabilis na isinukbit ng maayos yung bag ko habang hinahabol ng mga dambuhala. Lagot ka sa akin Archer kapag nagkita tayo bukas, hindi pwedeng ako lang may pasa sa monthly evaluation! “TIGIL!” “HABULIN NIYO!” Nakakita ako ng mga nakaimbak na basura sa gilid kaya itinumba ko ang mga ito at tumakbo ulit, nakita kong malapit na mga kasamahan ng mga dambuhala kaya kumaliwa ako sa isang eskinita. “Kung minamalas ka nga naman!” Sigaw ko ng makita kong dead end ang diretso pero may isang likuan akong pinasukan, nasaan ka na ba Arch? Tumunog bigla ang cellphone ko, putik! Pakiramdam ko si Manager ito nahuli na ba ako? Wala pa namang alas-10 bakit ngayon pa? “AYUN!” “s**t!” I fish out my phone on my pocket and continue running. Kuya 666 calling…. Bata pa ako bakit sinusundo na ako ng dead realm? Jusko, hindi ko na pinansin ang tawag at pumasok sa isang establisment na nakabukas ang ilaw. “Good Evening! Welcome to–” tinag as close ko yung nakita kong signage ng cafe. At agad kong hinila yung babaeng crew na bumati sa akin at tinakpan ang bibig. Nagtago ako sa may counter at napangiwi ako ng bigla siyang pumalag sa hawak ko. “Wag kang magulo, five minutes lang,” bulong ko at agad na pinatay ang cellphone ko ng makita kong tumatawag pa rin si Kuya Sais, sinilip ko ang labas at nakita ko ang mga dambuhalang naghahanap pa rin sa labas. Nagulat ako ng biglang nahulog ang isang tasa dahil sa pagpalag at sipa ng babae at nabasag iyon sa paa niya. Tinignan ko yung labas at nakita kong napansin iyon ng mga humahabol sa akin. “Saglit lang please,” diniinan ko ang paghawak sa babae at naramdaman kong bumaon ang kuko niya sa mga kamay ko impit akong napadaing. Napapikit ako ng marinig ko ang pagkatok sa bintana ng mga humahabol sa akin sa labas. Lord, hindi na ba ako aabot sa monthly evaluation? “Anong ginagawa niyo?” Napadilat ako bigla at napatigil din sa pagkakawala yung crew, hindi ba nahimatay ‘to? Teka, sinilip ko ang mukha niya at nakita ko siyang nakapikit. Mahina kong tinapik ang pisngi niya pero dumaing lang siya. “Gising,” mahina kong sabi ng hindi siya gumalaw. Inilapit ko pa siya sa akin at tinignan yung paa niya napangiwi ako ng makita ang napakaraming dugo sa sahig. Sumilip ulit ako sa labas at nakita ang isang babaeng at lalaking nakatayo sa may pinto. Sila ba ang may-ari ng cafe o napadaan lang sila? Saan sila galing? Mahina ko ulit na niyugyog yung crew, sana hindi ka pa naman namatay. Wala naman atang namamatay sa blood loss ‘no? In times of emergency blood lost is one of the common factor that will complicate the patients condition, this could lead to cardiac arrest, mental complications and possibly death. Oh great! Saiyen hindi ka lang mawawalan ng position sa team at trabaho, mawawalan ka pa ata ng kalayaan. Nang masigurado kong wala na yung mga goons sa labas ay dali-dali kong pinangko yung crew, nakita kong nagulat sa pagpasok yung dalawang tao na nagpaalis sa goons. “Chi?” sabi nung babae. Binasa ko ang labi ko at napabuga ng hangin. “Look mamaya na ako magpapaliwanag but can we take her first to the hospital?” I strengthen my voice because honestly imagining my future crumbles and this woman possibly dying because of me is making my heart so heavy I think I’ll cry. Pinalo naman ng babae yung lalaki sa tabi niya at agad nitong binuksan ang pinto, sumunod naman ang babae at binuksan nito ang naka-park na sasakyan sa tapat ng cafe. “Dos bilisan mo naman!” “Kumalma ka muna dyan L and do something with Chi’s legs,” sabi ng lalaki habang pinapatakbo ang sasakyan. Hawak ko pa rin si Chi, tingin ko yan ang pangalan niya. “Hey,” agad akong lumingon sa harap ng marinig kong tinawag ako ng babae. “Here take this-” “L! What do you think your doing?!” galit na tanong ng lalaki ng biglang tanggalin ng babae ang suot nitong jacket. “Well? You told me to do something to stop the bleeding,” narinig kong mahinang nagmura yung lalaki. Mag-jowa ba sila? “Hey Kid,” napatingin naman ako sa lalaki. “Put pressure on her legs and you,” tingin niya ulit sa babaeng nasa passenger seat hawak pa rin nilang dalawa yung jacket. “Put that jacket on.” Nirolyo lang ng babae yung mata niya. I put pressure on the girls legs, please let this girl live promise I won’t gamble anymore just make this person stay alive. Mabilis kaming nakarating sa hospital at ng kinuha ng mga nurse yung babae sa kamay ko biglang ang daming nangyayari at hindi ko alam kung kanina pa ako nangingig o kung ngayon ko lang naramdaman yung pagod sa mga paa ko pero bigla na lang akong napaupo at napaiyak. s**t! “Hey,” naramdaman kong may biglang umakbay sa akin. “She’ll survive,” napatingin ako sa babae kanina. I wanted to say something but I cannot force anything because I was so shaken up I didn’t know that a small gamble could lead to something far worse, ginulo ng babae yung buhok ko at tinuyo yung luha ko the guy we were with is just looking at us. Napahikbi ako. “You did great kid, she’ll survive,” sabi ng babae at niyakap ako. “You did well,” she once again whispered and pat me in the back and in some way I felt comforted in this long night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD