Chapter 12: "Reign"

1842 Words
JANE’S POV Every gising is a blessing! Morning selfie muna sa akin bagong selpon. Post ko nga agad. Wala akong maisip na caption. “Good morning ebrebadih.” `Yan okay na `yan. May naririnig akong kausap si Lola. Babae e. Kaaga-agang tsismosa naman n`on. Matingnan nga. Mukhang pamilyar ang boses nga. “Angsarap po ng sangag!” Natigilan ako sa may pintuan. Si Ma`am Reign! “Oh, apo. Ano ka ba naman. Nakakahiya sa boss mo. Ikaw pa talaga ang sinundo.” “Ho? Sundo? Saka hindi po si Ma`am Reign ang boss ko, La. Bakit po kayo nandito Ma`am?” “Hindi ganyan ang pakikipag-usap sa Boss mo, Apo.” Aray naman! Nakurot pa ako ni Lola! Anggrabe namang gigil `yon! Napaigtad ako e! “Okay lang po, Lola. Hindi po naabisuhan ni Dad si Ate Jane e. Kasi ako lang napumilit pumunta dito ngayon. Wala po kasi akong ginagawa. Bored po ako sa bahay.” Dumulog na ako sa hapag kainan. Hinahaplos-haplos ko ang tagiliran ko. Siguradong pulang-pula ito. Si Lola naman kasi. “Nagsabi po sana kayo na pupunta dito. Hindi ako nakapaglinis.” “It’s okay, Ate Jane. Hanggang kailan po ang day off mo?” “Hanggang bukas pa.” “May gagawin ka po ngayon?” Papasyal sana sa talyer at magsa-sideline. Haha! Pera is life e. “Kung may iuutos po kayo ay ika-cancel ko na lang.” Parang umaliwalas ang mukha niya. “Gusto ko pong matuto magluto. Magpapaturo po sana ako kay Lola Rosita. Pwede po ba ako dito muna ngayong araw?” Napatingin ako kay Lola. “Ano bang gusto mong matutunan, Hija?” “Pancit po saka `yong lumitaw. Natikman ko sa canteen ng friend ko e.” Natawa ako sa lumitaw e. haha! “Baka palitaw ang ibig mong sabihin.” Pagtatama ko sa kanya. “Tamang-tama pupunta ako sa palengke. Bibili ako ng ingredients.” “Lola Dearest! Good morning!” Anglakas ng pagkakabukas at pagkakasara ng gate. Siguraong si Brian `yon. Rinig na rinig pa ang mga yabag niya sa hagdan. “Jane! Ja—” Gaya ko ay natigilan din siya nang makita si Ma`am Reign. “Wala ka talagang palya. Upo ka na dito.” Tinapik ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. “Gulat ka `no? Ako din e.” “Ah. Good morning Ma`am Reign. Napasyal po kayo.” Parang biglang naging si Ma`am Regina ang expression ni Ma`am Reign. Kunot ang noo niya e. Magtiyahin nga sila. “Boyfriend mo ba si Kuya Brian?” Nagkatinginan kami ni Brian bago natawa. Haha! “Ito si Pigsa? Hindi `no! haha!” Nandidiri kong sagot. “Magkababata kami.” “Parang ampon ko na `yan si Brian. Mula pagkabata e mas madalas dito mag-almusal `yan.” Sabad ni Lola. “Mukha ba silang magkasintahan, Hija?” Tumango si Ma`am Reign. “A guy doesn’t barge in a girls house ng this early po e.” “Naku Ma`am, angsarap po kasi magluto ng almusal ni Lola Dearest kaya nakikikain ako dito.” “Kahit `pag may boyfriend si Ate Jane?” Angkapal ng mukha ni Brian na humalakhak ah! Anong tingin niya sa akin? Hindi magkakaboyfriend? “Impossible `yon Ma`am! Amazona `tong si Jane. Takot ang lalaki na ligawan siya.” “Ah. Okay.” --- Gumagawa na kami ng palitaw. Pati ako e obligadong magmasa tuloy. Ka-video call ni Ma`am Reign ang daddy niya kanina. Natuwa pa sa bagong hobby daw ng anak niya. “Nagbi-bake din si Mom noon. Pero `yong mga ganito hindi niya po alam iluto.” “Pang-poor girls dowter lang kasi ang mga ganitong pagkain Ma`am,” sagot naman ni Brian. “Pantawid gutom lang ba. Halagang bente pisos busog ka na.” “But it has lots of efforts to cook. Bakit mura lang?” “Mura din kasi ang ingredients.” Sagot naman ni Lola. “Saka madali lang ito iluto. Siguradong matutuwa ang mommy mo kapag ipagluto mo siya nito.” Hindi umimik si Ma`am Reign. Nangiti siya pero hindi ko masabing totoo `yon. “Ipagtatabi ko si Tita Regina. Ate Jane ikaw po magluto noong para sa kanya ha. Baka hindi ma-perfect pag ako ang mag-cook.” “Hindi rin ako marunong. Hahaha! Si Lola na lang. Perpek na perpek pa. Sigurado.” “Hindi naman po si Lola ang nag-haha react sa picture ni Tita e. You’re unang-una to react haha Ate Jane. I-screenshot it pa nga. You want to see?” “Huwag na. Bangungot ang tagpong `yon!” Deads! `Yong tawa ni Brian talaga ang nangibabaw. “Oo nga naman, Nano! Alalahanin mo `yong kasalanan mo kahapon. Haha!” E siya ang may kasalanan n`on! Saka nag-sorry na nga ako kagabi. Pero baka hindi niya maalala kasi lasing siya. Natawag pa akong honey. Parang tanga e. --- Heto ako ngayon pawis na pawis! Nagtali na nga ako ng panyo sa ulo para maharang ang mga natulong pawis sa noo ko. Bueset pa itong si Brian nagbidyo pa. Pagkatingin ko pa sa Bookfame bidang-bida ang mukha ko. “May susuyuin `yong isa diyan…hahaha!” Si Ma`am Reign nakaabresiete kay Lola. Parang siya `yong apo e. “Nano, picture tayo. Pakita ko kay Marco. Maiinggit `yon.” Umakbay ako kay Brian. “`Yong maganda naman ako na angle. Pakita mo `yong niluluto ko dali.” “Imbitahan niyo nga si Marco din. Matagal ko nang hindi nakikita ang batang `yon.” “Naku La, busy `yon. Masaya pa kasi may Jowa kaya hindi `yong maiimbitahan.” “Can I invite Tita Regina here also, Lola?” “Kahit buong pamilya niyo pa, Hija. Pero pagdamutan niyo na itong aming tahanan. Ah sa aking kaarawan. Ipagluluto ko kayo ng special na pancit. Iyong paborito ni Jane.” Lola, wala pa tayong budget sa birthday mo! Magsa-sideline muna ako nang maraming araw para makapaghanda ng mga pagkain na pang-Vanguardia level! Jusko naman! Ilang araw pa lang ako sa mga Vanguardia parang umikot na ng 360 degrees nang paulit-ulit ang mundo ko. Day off nga pero may litol Vanguardia naman at parang hahatakin pa ang buong angkan. Parang pati si Fifi ay mai-stress `pag nagkataon. --- Pinagpalaam ako ni Ma`am Reign kay lola. Sukat ba namang halos ipagtabuyan na rin ako ng lola ko. Siya pa nga ang nag-e-empake ng damit ko. “`La baka naman may katagpo ka ha? Kaya excited kang umalis ako.” Biro ko sa kanya. Haha! Batuhin ba naman ako ng nirolyong panti! Haha! “Ikaw talagang bata ka. Ikaw ang kailangang maghanap ng makakasama sa buhay. Aba! Hindi na ako bumabata, Jane.” Ayaw ko nang marinig ang susunod na sasabihin ni lola kaya niyakap ko na siya. “Oo na po. Magpapayaman muna ako Lola para hindi tayo aasa sa magiging asawa ko. Haha!” Motto ko kasi ang pera ko ay pera din ni Lola. Siyempre siya ang nagsakripisyo para buhayin ako e. Lola muna bago asawa. Hihi. “Magbabait ka Neng ha? Baka tinetesting ka lang ng mga Boss mo. Tingnan mo at bigla-bigla kang pinagdu-duty.” --- May point naman si Lola sa sinabi niya kanina kaya heto ako, bantay ng teenager na busy sa selpon. Pinauwi pa nga niya `yong dalawang bodyguard niya kasi sapat na daw akong magbabantay sa kanya. Napakasigurista ng batang ito. Pati kay Sir Paolo ay nagsabi din na ako ang sasama sa kanya. Grabe `yong tiwala naman ni Sir Pao. Hindi na ako kinausap. Siguro nga ay tinetesting ako ng mga Vanguardia. Gaya n`ong unang beses kong nakilala si Ma`am Reign. Baka mayroong nakasunod sa amin na mga superiors naming sa MoonShine. Overthink pa Jane! Lakas magkantyaw ni Brian kasi nakapahinga pa siya. Hay! Bawi na lang next life. Ang importante may trabaho ako. “Saan po tayo pupunta, Ma`am Reign?” “Sa airport po. Sundo natin si Ninang.” “Uuwi na agad si Ma`am Regina?” “Ahuh. Ganon naman po `yon si Tita Ninang kapag hindi nagustuhan ang lugar or baka may hindi magandang nangyari. Umuuwi siya agad.” Baka nga may masamang nangyari. Lasing kagabi e. Baka walang subtitle `yong alak kaya nalasing agad. Haha! Parang nag-echo `yong pagtawag niya sa akin ng Honey kagabi. Grr! Nakakapangilabot! Hindi ko `yon dapat banggitin sa kanya baka bigla akong bigyang ng ultimatum. “Kaya naman pala umuwi agad e.” Bulalas ni Ma`am Reign. “Hindi maganda ang mood ni Ninang. Huwag ka po magsalita mamaya hangga’t hindi ka niya kinakausap, Ate Jane.” Nag-okay sign ako kay Ma`am. “Sa atin lang `to ha? Pinaglihi ba ang ninang mo sa kamias? Napakaasim lagi ng mukha e. O kaya parang walang time maging magsaya. Pasan ang daigdig.” “Not my story to tell, Ate Jane. Sorry. Just be patient with her po.” Work ko naman na dapat mahaba ang pasensya ko. Nandito ang pera e! Haha! Nakarating na nga kami sa airport. Nagmamadali si Ma`am Reign Panay ang check ni Ma`am Reign sa phone niya. Mukhang pati siya ay shokot na shokot ma-late! “She’s here. Don’t talk, Ate Jane. Let me do the pagrarason why you’re here.” Ha? Ibig sabihin hindi alam ni Ma`am Regina na nandito ako? Ang mga `to talaga! Paladesisyon tapos ako ang maiipit sa gitna! Kita ko na siya agad! Aba! De nag-eye-to-eye kami pero para akong na-laserbeam kasi nag-abot agad ang kilay niya. s**t naman! Hindi yata niya naalala `yong sorry ko. Angbabaw naman ni Ma`am Regina. Dahil lang sa Haha-react abot langit pa ang galit niya sa akin. Ikaltas na lang niya sa sahod ko `yong sama ng loob niya. Umatras ako sa likuran ni Ma`am Reign nang tuluyan nang makalapit sa amin si Ma`am Regina. Para silang nag-uusap sa isip. Ano `yan? Nagkakaintindihan na sa eye-contact lang? “Why is she here? Day off niya, right? Reign, napag-usapan na natin `to.” “I stayed in their home today, Tita.” “What? Bakit ka nang-iistorbo ng ibang tao?” “`Coz I wanted to know her family? She’s your bodyguard. I should know kung trustworthy sila. Right?” Nahilot ni Ma`am Regina ang noo niya. Stress na siya sa pamangkin niya e pareho lang naman silang tigas ulo. Aba naman! Galit talaga ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Tiningnan na naman niya ako nang masama. “Ihatid mo kami sa bahay. Then pwede ka nang umuwi.” “Okay po, Ma`am.” “No, Tita. She’s too tired to drive na kung uuwi pa siya. I told daddy sa quarters ng mga bodyguards na siya mag-sleep tonight.” “Fine. Bahala ka. Umuwi na tayo. I’m too damn tired.” “At may hangover malamang.” Mahina kong sabi. “Watch your words, Custodio.” Masama na naman ang tingin sa akin. Makapal ang mukha kong ngumiti. Proud naman ako sa maganda kong ngipin e. “Ma`am. Welcome back po.” No reaction! Walkout pa! Siniko ako ni Ma`am Reign saka sinenyasang manahimik. Sorry naman agad sa dalawang ito. Hindi ko naman sinasadyang matabil ang bibig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD