Be Mine 26 Pinihit ni Ella ang pinto. Bumukas ‘yon. Wala naman akong napansin na kakaiba habang naglalakad kami papasok sa room ng hotel na ito. Pero kinakabahan pa rin ako. “Kung hindi lang ako buntis ngayon, mag-o-all out talaga tayo sa bar eh,” narinig kong bulong pa ni Ella. “Alam ko. At kung hindi ka buntis at ginawa natin ulit ‘yong ginawa natin noon, lagot tayo ro’n sa dalawang bouncer lover natin. Baka dumanak na talaga ang dugo, Poks. Haha!” Natatawang sabi ko pa. Umiling si Ella habang patawa-tawa rin. “Upo ka muna riyan sa gilid ng kama. Wait lang,” sabi ni Ella. Nagtataka man ako, sumunod pa rin ako sa sinabi niya. Pumasok siya sa banyo. Maya-maya, lumabas din si Ella. May hawak pang remote. Ilang segundo lang ang lumipas, nagsimula nang tumugtog ang player at speaker na

