Be Mine 35 BIANCX Kinabukasan, tanghali na ako nang nagising. Sobrang sarap kasi ng naging tulog ko. Namiss ko rin kasi ang kwarto ko rito sa bahay nila Mom. Naghilamos at nagmumog muna ako bago ako lumabas ng kwarto. Wala na kasi sa tabi ko kanina si Cy-cy. Mukhang maaga siyang nagising. Pupungas-pungas pa akong naglalakad pababa ng hagdan nang bigla akong makarinig ng mahinang tunog. Naramdaman ko na lang na may parang sumabog bigla sa akin banda. Parang naalimpungatan pa nga ako sa paglalakad ko. Tinignan ko kaagad kung ano ba ‘yon? Sus, confetti lang naman pala. “Congrats, Mommy Mabs!” Sigaw nilang lahat bigla. Parang nagising tuloy ako lalo sa narinig at nakita ko. Kung kanina, inaantok-antok pa ako. Ngayon gising na gising na. At kitang-kita ko silang lahat na narito ngayon. Sil

