Chapter 10: Try Me, Miss Torres Angelo held my hand when the jeepney started to go. Napansin ko ang paghubad niya sa suot niyang coat at ipinatong niya iyon sa hita ko dahil nakalilis ang suot kong skirt sa pag-upo ko. "How much is the fare for Santander?" bulong ko sa kanya. "Ha?" kumunot ang makakapal niyang kilay. Inilapit niya ang tenga niya sa akin. "Magkano ang fare?" Umiling siya. "Ako na ang bahala. Mura lang iyon." He held my hand the entire time we were on the road. "Thank you for keeping me calm!" Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil ang bilis ng pagpapatakbo ng driver sa jeep. Habang umaandar iyon ay parang nagrarambulan ang puso ko sa kaba. "Normal lang ang nararamdaman mo ngayon. Kapag maraming beses ka ng may experience sa pag-cocommute, masasanay ka na!" Nagpr

