Chapter 1

1291 Words
I stepped the brake to the maximum capacity at braking point. Move my vision to the apex point. Turn-in the car at turn-in point. Made the ideal racing line when I'm at the apex. I pushed the accelerator with my right foot. Walang kakurap-kurap ang ginawa ko. Hindi ko man lang naisip na baka ito na ang huling pagbiyahe. I open up the steering to the corner's exit point. Pagkahinton ay tinanggal ang helmet. Nang bumaba ay agad na sumalubong sa akin si Mave, namamangha. "You really did that?!" bulalas niya. Nakalahad ang dalawa niyang kamay na parang prinepresenta ako kaya hinagis ko sa kanya ang helmet na agad naman niyang sinalo. Umikot ang mata ko. Para namang bagohan lang. Ilang beses na nga niya akong nakita na ginagawa 'yun. "Itong si Mave napakasipsip," singit ni Dale nasa likod lang niya. May hawak siya na chips. Panigurado pulatan na naman ang pinapapak niya. "I'm trying to hype our friend! Baka biglang maging MIA si Sabrille. And we don't like that." Rason niya pa. Umiling-iling akong nilagpasan sila. I grab a beer in our small ice box. I glared sharply at Dale nang wala ng makita na chips. Tagapapak lang talaga ng pulatan ambag niya. Umupo ako sa foldable chair na dala at tumabi kay Alistair na tahimik lang na nanunuod sa amin. Nagsi-upuan din sina Dale at Mave sa kani-kanilang foldable chair. Tinungga ko ang can in beer. "Pwede mo namang takbuhan ang asawa mo. Maging runaway bride ka," Dale suggested habang nginguya ang chichirya. May sense naman ang suggestion ni Dale, senseless nga lang. As if naman hindi ako mahahanap ni Lola. At saka mahal ko pa ang pagkakarera. Being married is not simple but if my husband is good at being casual, edi maganda. Marriage cannot stop me from doing what I want. "Siraulo tong si Dale." Masama ang tingin ni Mave kay dale, may hawak din na beer. Tumango ako, sumasang-ayon sa sinabi ni Mave. "If you want to consider Dale's suggestion, Brille. I can help you." Si Alistair na kanina ay tahimik na umiinom ng beer. Huminga akong malalim at umiling. Napasuklay pa sa buhok gamit ang kamay. "Nandito na. Besides, may na kasunduan na kami ni Lola." "Yes! Yun naman pala oh!" Sayang-saya si Mave na naitaas pa ang kamay. Hanep. Siya siguro ang makikisama sa lalaking ‘yun. Mas excited pa sa akin e. Nakakunot ang noong tiningnan ni Dale ang katabi. "Bakit ba ang saya-saya mo Mave? Ikaw ba representative ng emosyon ni Sabrille?" Hindi pa rin niya nauubos ang chichirya. Lumapit si Alistair sa ice box at binuksan ang beer na kinuha. "Importante ba masyado 'yang napagkasunduan niyo ng lola mo? That you agreed about the setup? The Sabrina Brille Samaniego I know would not dare agree. Especially we're talking about your freedom here." Seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. Natahimik ako. Hinipan ang buhok sa noo. Umiling siya, tila ba disappointed sa desisyon ko. I know he has a big say on this. Matagal na kaming magkakilala kaya siguro ganito ang reaksyon, parang kapatid na. Alam niya kasing gustong-gusto ko ng kalayaan. Kaya nga noong nalaman ko na posibleng ikasal ng maaga, ginawa ko lahat ng mga bagay na possibleng hindi ko magawa kapag dumating na ang araw. Isa na ang karira. Sadly, I fell in love with it. Naging dahilan pa ng pagpayag ko sa gusto ng pamilya. Umalis na ang kaibigan sa kinakatayuan pero nanatili ang titig ko sa kinatayuan niya kanina. Huminga akong malalim at dahan-dahan tumango. Natahimik ang dalawa na kanina lang ay nagbabangayan at binabara ang isa't isa kaya panigurado nakikinig sila sa usapan. Sa bagay. Kalayaan ko pala ang pinag-uusapan. But do I have a choice? Ayaw ko naman takbuhan ang resposibilidad. Everyone expected this to be happened. Kung tatakbuhan at kakalimutan ko ang responsibilidad, sasayangin ko lang ang pinaghirapan ng pamilya. I'll do my part as part of the family. In fact, we share the same blood, hindi na rin lugi. Walang nagsalita. Alam ko nag-aantay sila ng sasagot ko, kung gaano ba ka-importante ang hiningi ko na pabor kay Lola. "Sasali ako sa darating na car race ngayong katapusan ng taon. Matagal ko na gusto mangyari 'to pero ayaw ni Lola, ngayon lang. Ang kapalit nga lang ay pakasalan ko ang lalaking pinili para sa akin. Kung hindi naman magtagumpay ang samahan namin, we can file an annulment after 1 year. So, my goal is not to make the marriage work." Inubos ko ang beer at nilamukos ang can. Tahimik lang ang dalawa. Wala atang masabi. Si Alistair naman, tumango-tango, unti-unting naiintidihan ang gusto ko. Huminga akong malalim at tumayo na. "I'll go first." Banggit ko sa gitna ng katahimikan. Isa-isa silang nagsitanguan. "Dale, ikaw muna bahala sa baby ko." Sulyap ko sa kanya. Tumango naman siya. Sumampa na ako sa big bike. Hindi ko na inabala ang sarili na palitan pa ang suot na racing suit. My phone vibrated in my pocket. Kinuha ko at sinagot. "Where are you? Kanina pa ako tawag ng tawag." Naiinip ng boses ng lalaki sa kabilang linya. "Doing some stuff. Bakit?" Himala at nagtanong siya kung nasaan ako. Akala ko ba walang pakialamanan sa business ng isa't isa. "We're meeting my parents. Be here at exactly 7:00. I'll text you the place." Pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Nag aagaw na ang dilim at liwanag. Tiningnan ko ang oras sa phone. Oh shoot. I only have 30 minutes. I received a text before I off my phone. Unknown person: Anzani New Mediterranean Restaurant. Ask the staff. Just say our last name and they'll know it. Sumaglit lang ako sa lang ako sa apartment ni Dale. Nanghila lang ng kahit anong t-shirt at jeans. Kumuha na rin ng sneakers. I don't know if I'm representable enough but the important thing is sisipot ako. Okay na 'yun. Pinaandar ko na ang big bike. I don't know what's the fuss about. One week na ang nakaraan simula nung araw ng kasal pero may meet up pang nagaganap. What about it? I parked my big bike at the parking lot of the restaurant. Pagkapasok ko sa loob ay agad na nilapitan ang clerk disk para sa VIP room. "Hidalgo?" I asked. Tumango ang babae. "Shirley," tawag niya sa kasamahan niya. May lumapit na babae. She's genuinely smiling. Napangiti rin ako, nakakahawa naman. "Can you guide Miss?" Nakataas ang dalawang kilay ng clerk lady kaya agad akong sumagot. "Mrs. Hidalgo." Ngisi ko, sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Nakakaasiwa naman gamitin ang apelyido. "Miss to room number 35 in the VIP room." Tumango ang tinawag na Shirley. "Follow me po." Sumunod ako sa babae. Marami kaming nadaanan na kwarto bago huminto sa kwartong may nakalagay na numero sa pintuan. Kumatok siya. Bumakas naman agad ang pinto. Unang kita ko palang sa pagmumukha ng lalaki ang inip Umupo ako sa tabi niya. "Naabala ka ba namin, hija? Hindi na namin inimbitahan lola mo. I know she's a busy person at isa pa, casual dinner lang 'to. Kinukumusta lang namin ang pagiging buhay mag-asawa niyo." Ngita ng ginang. Tumango lang ako at ngumiti. "Magandang gabie po. Okay lang naman po. Wala namang importanteng ginagawa. Hindi nga lang ako nasabihan ng maaga about sa dinner po. Hindi tuloy presentable ang suot ko." Ngumuso pa ako na parang nalulungkot. Tiningnan ng ginang ang anak, nanunusok ang mga tingin. "Sebastian." Saway ng ginang sa anak. Pinilit kong hindi maging ngisi ang ngiti. Ang totoo naman alam ko kagabi pa pero nakalimutan ko. Umiling lang ang katabi na parang sumusuko na. He lean closer to my ears and whispered. "You're good at this, huh?" Nagkatinginan ang mag-asawa at nakangiti na nang binalik ang tingin sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD