BEI FERREL
"AYOKO, Dad!" galit na saad ko kay Daddy.
"Wala ka na magagawa, Bei. Pakasalan mo si Kairo Alcantara."
Umigting naman ang panga ko.
"Hindi pa po ba sapat ang kayamanan niyo? Kailangan ko pa magpakasal sa isang mayaman na lalaki para sa kapangyarihan na inaasam niyo?!" galit na panunumbat ko kay Daddy.
Bumaling naman ang mukha ko sa lakas ng pagsampal ni Daddy.
"You have no right to say that! I'm your father, Bei! Lahat na ito, para rin sa'yo!"
Mahina naman akong napahikbi. Patay na si Mommy. Nag-aaral pa lang ako noon sa high school, nagkaroon ng sakit na colon cancer ito. Kalaunay, binawian din ito ng buhay. Si Daddy na nag-iisang mahal sa buhay ko ang aking kasa-kasama. Nag-iisang anak lang din ako. Lahat binigay naman ni Dad. Nakapag-aral ako sa isang exclusive school. Nakapagtapos na rin ako sa kursong medisina. Kasalukuyan, nagtatrabaho na ako sa isang hospital na pag-aari ng mga Alcantara.
"Hindi ka na puwede umatras. May date na ang araw ng kasal niyo. Huwag ka magkamali na tumakas, Bei!" aniya at tumalikod na ito.
Napaupo naman ako sa sofa. Halos buong buhay ko, si Daddy ang nagdedesiyon ng lahat. Kahit ang pagiging medisina ko, siya rin may gusto. Nais ko talaga maging isang guro pero ayaw ni Daddy.
"Bei?"
Napalingon naman ako. Si Yaya Helga.
Si Yaya lang ang naging karamay ko sa lahat. Siya lang ang nakakaintindi sa akin.
Tumayo ako at lumapit kay Yaya. Niyakap ko ito at doon ko binuhos ang sama ng loob ko kay Daddy.
"P-Pagod na po ako, Yaya. Hawak-hawak pa rin ni Daddy ang buhay ko!" Umiiyak na saad ko rito.
Napabuntonghininga naman si Yaya Helga.
"Kaya mo naman umalis, 'di ba?" mahinang saad ni Yaya.
Kumalas ako ng pagyakap at tumingin kay Yaya.
"H-Hindi ko po kayang iwan si Daddy. Mahal na mahal ko po siya," malungkot na saad ko naman.
Hinaplos naman ni Yaya ang mukha ko.
"Napakabait mong bata, Bei. Lahat ng sakripisyo mo, masusuklian din ito ng magandang resulta. Magtiwala ka sa Daddy mo. Alam kong mahal na mahal ka ng Daddy mo."
Umiiyak na tumango na lang ako. "Salamat po, Yaya."
Ngumiti naman si Yaya. "Gumayak ka na at baka ma-late ka pa. 'Di ba sabi mo may ooperahan ka mamayang tanghali?"
Oo nga po pala, nakalimutan ko na!" natatawang sagot ko naman.
Bahay at trabaho, iyon lang ang routine ko araw-araw. May sariling driver din ako. Sa edad kong bente otso, hindi pa ako nakaranas magdrive. Dahil takot at na trauma na rin noong bata pa ako na muntik na kami nadisgrasya.
"Good morning, Doc," bungad na bati sa akin ng mga nurse na nakasalubong ko.
"Magandang umaga," nakangiting saad ko naman.
Nakasalubong ko naman si Dr. Gold Lee.
"Magandang umaga sa'yo, Doctor Lee," bati ko rito.
"Hi. Good morning din, Dra. Bei," aniya at kumindat pa ito.
Napailing naman ako. Kalat dito sa hospital kung gaano ka babaero ang Doktor na ito. Kilala si Doctor Lee dahil anak ito ni President Gabriel Lee.
Lahat nasa hospital, first name ang tawag nila sa akin. Bihira lang lang na sumasambit sa apelyido ko.
"Hi, Dra.Bei," nakangiting bati naman sa akin ni Nurse Mia Alcantara. Asawa ito na isa sa may-ari ng Alcantara hospital. At ang asawa ni Mia ay kapatid ng lalaking papakasalan ko.
"Hi, Nurse Mia," nakangiting bati ko rito.
Ngumiti lang ito at dumiretso na ito sa kan'yang pasyente.
Huminga naman ako ng malalim. Ang akala nila, masaya ako. Kasi nakikita nila ang araw-araw na ngiti ko. Pero hindi nila alam ang sa likod ng aking ngiti, napakalungkot ang aking buhay. Pakiramdam ko kasi lagi, nag-iisa na lang ako. Wala na rin oras sa akin si Daddy. Lagi itong abala sa kan'yang mga negosyo.
"Bakit malungkot ka?"
Napangiti naman ako sa batang pasyente ko. Isang cancer patient ko si Klea. Pitong taon lang ito. Pero patuloy pa rin itong lumalaban. Sobrang payat na niya at wala na rin itong buhok. Dati itong pasyente ni Dra. Mary Flor Coloner, pero pinasa na ito sa akin.
"Hindi naman ah," saad ko at nilakihan ang pagngiti.
"But, I see that your eyes are sad," aniya at hinihimas-himas pa ang aking kamay.
Napangiti naman ako. "No. I'm not sad. Masaya nga ako, kasi magaling ka na."
"Thank you, Doc. Ganda!"
"Kaya dapat, magpagaling ka na. Dahil namimiss ka na ng baby brother mo," nakangiting saad ko naman.
"I will!" aniya at pumalakpak pa ito.
Napabuntonghininga naman ako. Maraming nagpapakamatay at inaksaya ang kanilang buhay. Bakit ang gustong mabuhay pa, bakit hindi binibigyan ng chance? Tulad ni Klea. May taning na Ang buhay ng bata, pero para sa akin, naniniwala pa rin ako sa miracle. I always prayed to her. Sana, bigyan ito ng himala na mawala ang sakit niya.
"Oh, sige na. Mag-iikot pa ako sa ibang pasyente. Huwag kalimutan inumin ang mga gamot at vitamins, okay?" saad ko kay Klea.
Papunta na ulit ako sa ibang room nang nakasalubong ko ang nagkakape na Alcantara.
Napatigil naman ako at inayos ang aking salamin sa mata.
Napatingin naman ako kay Sir Kenjie na nakangiti ito sa akin.
Kung sa itsura, masasabi ko, ang Alcantara Brothers nasa kanila na ang lahat. Sobrang gugwapo. Ang ganda ng katawan nila. Napakayaman.
"Hi. Doc.Bei," nakangiting bati sa akin ni Sir Kenjie.
"H-Hello po," nahihiyang sagot ko naman. Nararamdaman ko ang titig ni Kairo sa akin.
"Oh. Hello, sister in law!" aniya naman ni Sir Kaleb.
Ngumiti na lang ako.
"Excuse me, may pasyente pa po ako," saad ko sa kanila at tumalikod na.
Huminga naman ako ng malalim.
Kanina na pasimple na sinulyapan ko si Kairo, kakaiba ang awra niya. I don't know, parang nakakatakot siya.
Halos maghapon na pagod ako sa dami ng pasyente ko. Palabas na ako sa hospital at napansin ko ang kapwa Doctor ko sina Ziandra Athena Santiago at Gaia Walton na nag-uusap sa di kalayuan.
"Hi, Bei!" Sigaw ni Zia sa akin.
Itinaas ko lang ang kamay ko at nginitian sila. Pauwi na rin kasi ako.
Pumunta na ako sa parking lot kung saan nandoon ang driver ko.
"Ma'am Bei, may dinner daw kayo sabi ng Daddy mo sa isang restaurant na kasama si Sir Kairo Alcantara," aniya ng driver sa akin.
"S-Si Daddy po?" tanong ko rito.
"Doon na daw kayo magkikita."
Tumango na lang ako.
Pagdating sa bahay, agad na akong dumiretso sa shower. Alas syete kasi ang dinner namin sa restaurant. Isang white dress na above the knee ang piniling isuot ko. Naglagay na rin ako ng konting blush on at liptint. Dahil wala naman akong contact lens, hinayaan ko na lang aking salamin sa mata na suot-suot ito.
After ko gumayak, bumaba na ako. Agad naman kami umalis ni manong. Naramdaman ko naman ang sobrang kaba. Pagdating sa restaurant, nag-uusap na sila Daddy at Kairo.
"S-Sorry, I'm late," mahinang saad ko naman.
Umupo naman ako sa tabi ni Kairo, dahil iyon lang ang upuan.
"Well, nandito na ang Unica hija ko. So, Kairo, what is the exact date ng kasal niyo?" nakangiting tanong ni Daddy.
Napatingin naman ako kay Daddy at saglit sumulyap kay Kairo.
"Next week, Sir. Dahil next month, wala pa ako dito. Idestino ako ng two months sa Iran."
Napatigil naman ako. Oo nga pala, mga sundalo ang Alcantara Brothers. Si Sir Kenzo at Sir Kenjie lang ang wala sa serbisyo.
"Oh, that's good, hijo. Mas maganda na mapaaga Ang kasal niyo, right, Bei?" aniya ni Daddy na bumaling ito sa akin.
Pilit naman akong ngumiti. "Y-Yes, Dad."
Halos buong dinner namin, nakikinig na lang ako sa pinag-uusapan nila Daddy at Kairo. Wala naman ako naintindihan sa topic nila. It's all about business.
"Ah, Bei. Magpahatid ka muna sa soon to be husband mo, ang driver mo, iyon muna sasakyan ko papunta sa another dinner meeting namin."
Tumango na lang ako. Wala na rin akong magagawa kapag si Daddy na ang nagsasabi.
"It's okay lang ba, Kairo?" nakangiting tanong ni Daddy kay Kairo.
"Sure," sagot naman ni Kairo na namumula na ang mukha dahil panay ang inom ng alak.
Pagkaalis ni Daddy, agad naman ako niyaya ni Kairo umalis.
Maingat rin niya ako pinagbuksan ng pinto sa kan'yang sasakyan.
"Salamat," mahinang saad ko rito.
Nakaupo ako sa kan'yang tabi. Habang nagmamaneho ito, hindi ko maiwasan na tingnan ito.
He is so handsome. Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang naghahabol rito.
"B-Bakit?" nagtatakang tanong ko kay Kairo nang tumigil ito sa gilid na madilim na daan.
Humarap ito sa akin.
"Magiging asawa na kita, maybe now, puwede na," aniya at hinila ako palapit sa kan'ya.
"K-Kairo!"
May pinindot ito sa gilid ng upuan para bumaba ng pahiga.
"K-Kairo, hindi pa tayo kasal," natatarantang saad ko rito.
Ngumiti naman ito. "Malapit na tayo ikasal," aniya at inihiga ako. Pumatong ito sa akin. Naramdaman ko naman ang matigas na bagay na nakatusok sa aking puson.
"Kai-," nanlaki naman ang mga mata ko na sinunggaban agad ako ng halik.
Naramdaman ko rin ang kamay niya na hinahaplos-haplos ang aking hita.
"Damn! Gustong-gusto ko na ipasok ito at ibaon ng sagad," aniya na kinikiskis ang nakabukol sa gitna ng kan'yang hita sa ibabaw ng aking panty.
TO BE CONTINUED!