CHAPTER 33 His Wrath SARI-SARING putukan ang pumailanlang sa loob ng abandonadong warehouse. Nakita nalang ni Kean na nakahandusay na sa sahig si Steffan. Humingi kasi ito ng tulong sa kaniya. Kahit na may sarili na itong hinawakan na gang ay suportado niya pa rin ito. Miyembro niya pa rin ito kaya hindi pwedeng pabayaan niya na lang. Nakita ni Kean na tumatakbo si Kira palabas ng warehouse. Sinuyod niya ng tingin ang buong warehouse. Nang makitang abala ang lahat ay siya na ang humabol rito. Mabilis niyang nasundan si Kira kung saan man ito pupunta. Kailangan niya itong mahuli. Ito ang puno sa lahat ng gulo na nangyayari ngayon. Naaaninag niya ang bulto nito di kalayuan. Tumatakbo ito bagamat napatigil din. Napatigil din si Kean sa paghabol kay Kira at nagtago di kalayuan. “Sino ka?”

