CHAPTER 27 Turned Down PAKIRAMDAM ni Alyana ay may mali talaga sa katawan niya. Magdadalawang linggo na niyang napapansin na parang may mali. Hindi naman siya ganito noon. Pero isinang walang bahala niya na lang. Baka sa sobrang pagod lang din. Lately kasi busy siya dahil nga sa pag-e-expand niya sa kaniyang coffee shop. Ang dami niyang inaasikaso. Kahit na tinutulungan siya ni Kean. Idagdag pa iyong problema niya sa mga magulang niya. Sobrang nakakastress talaga kaya siguro sumusuko na ang katawan niya. Hindi din naman kasi siya robot. Dinadapuan din siya ng sakit kahit papaano. “Babe?” Nagulat si Alyana ng bigla na lang lumitaw si Edward sa opisina niya. “Ed! What are you doing here?” Gulat na naitanong ni Alyana. “I came to visit you. Also, I brought your favorite pizza.” M

