“Siana?” tawag sa akin ni Nash. Napa tingin naman ako sa kanya nang lumabas sya nang office para lang tignan ako. Tumayo naman ako at lumapit ako sa kanya. “Ano ‘yon?” tanong ko sa kanya. “Baka gabihin ako mamaya, pwede ka nang mag out mamayang five pm,” sambt niya sa akin per umiling naman ako sa sinabi niya. “Hihintayin kita, that would be too embarrassing,” sagot ko sa kanya. Napa tingin naman siya sa akin napa iling nang bahagya sa sinabi ko. “Ang tigas pa rin ng ulo mo,” sagot nya sa akin pero nag kibit balikat lang naman ako sa sinabi niya. “You are my boss of course,” sagot ko sa kanya. Napa iling naman siya sa sinabi ko at tumango nalang dahil wala naman siyang magagawa kapag sinabi ko sinabi ko. “Pumasok ka sa office ko, huwag ka diyan mag hintay,” sambit niya sa akin.

