"Napa pagod na akong mag trabaho," naka ngusong sambit ni Harmony sa akin habang nag bibigay ng mga orders sa mga kuma kain sa resto. Pareho kaming nasa resto naka duty ngayin. Napa ngiti naman ako sa sinabi niya sa akin.
"Ako rin, gusto ko nalang tumigil sa pag ta trabaho," naka ngiting sagot ko sa kanya pagka tapos kong ibalik ang tray sa kusina.
"Pwede naman," naka ngising sambit ng visor namin. Napa tingin naman ako rito dahil bigla nalang itong sumu sulpot sa gilid namin.
"Kayo po pala sir," naka ngiting sambit ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.
"Na gulat ba kita?" naka ngiting tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling sa kanya.
"Medyo lang naman, pero wala namang problema," naka ngiting sagot ko sa kanya at kinuha ang order ng table one. Hindi na ako sumagot pa at agad na akong umalis. Napapansin ko lately na bigla bigla nalang siyang sumu sulpot kapag magka usap ni Harmony. Na bibigla nalang kami ni Harmony, nag sasalita nalang siya bigla, hindi namin alam kung ilang minuto siyang na kikinig sa amin bago siya mag salita.
"Ang creepy ni visor," sambit ni Harmony sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya at tumingin ako sa paligid.
“Bibig mo, baka bigla na naman siyang sumulpot nang hindi natin alam,” sambit ko sa kanya habang nag lalakad kami pa labas ng hotel dahil; tapos na ang trabaho namin, napag desisyunan namin ni Harmony na mag half day na muna.
“Totoo naman? ang creepy niya, lalo na kanina,” sambit ni Harmony sa akin. Napa buntong hininga naman ako sa sinabi niya at napa iling.
“Sa gina gawa niyang ‘yan mas lalong ayoko nang mag trabaho sa hotel,” na iiling na sagot ko sa kanya. Napa buntong hininga naman si Harmony sa sinabi ko.
“Pilitin mo sina tita na mag maynila tayo,” naka ngiting sagot ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya dahil ganoon naman talaga ang gagawin ko. ayoko nang ma kulong sa hotel na pinag ta trabauhan namin ni Harmony.
“Nasa maynila naman si Nash kaya hindi tayo mahihirapan,” sagot ko kay Harmony. Tumango naman siya sa akin at bahagyang tumango.
“Ikaw na talaga ang dadayo ha,” naka ngising sagot ni Harmony sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagya akong napa iling.
“Ano ka ba? trabaho ang dadayuhin natin doon, hindi si Nash ‘no,” sagot ko sa kanya. Na tawa naman siya sa sinabi ko at bahagyang napa iling.
“Hayaan na muna si Nash, ang mahalaga ay payagan kang mag maynila, kung ayaw nila ipilit mo, buhay mo naman ‘yan” sagot ni Harmony sa akin. .
“Ganyan ang gagawin ko, hahanap lang ako ng tyempo, may sapat na ipon naman na ako,” sagot ko kay Harmony. Tumangp naman siya sa akin at inakbayan niya ako.
“Excited na akong mag maynila kasama ka,” naka ngising sagot ni Harmony sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya at napa buntong hininga.
“Mag condo tayo,” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.
“Iyong malapit sa company na pag aapplyan natin, pareho namang maayos ang records natin kaya siguradong ma tatanggap tayo sa mga kumpanyang aapplyan natin,” sagot niya sa akin.
Nag iisip na ako kung anong kumpanya ang pag aapplyan naming dalawa.
“Dapat parheo tayo ng kumpanya na pag ta trabauhan,” sagot ni Harmony sa akin. Tumango ako sa kanya.
“Para hindi na tayo mahirapan pa, kung sakali man lang,” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at bahagyang napa ngiti.
“Right, hindi na pa para mag hiwalay ng work place,” naka ngising sagot ni Harmony sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi nito at pinanood ko si Harmony na masayang mag lakad lakad sa may gilid ng daan.
Simula bata palang ay kasama ko na si Harmony sa lahat ng bagay, kaya kung bading lang ako ay matagal ko na siyang niligawan. Marami ngang nag tatakha kapag sinabi naming hindi kami mag jowa dahil akala ng lahat ay kaming dalawa, sa sobrang close namin ay napag kakamalan pa kaming mag jowang dalawa.
“Mahal na mahal talaga kita, Harmony,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at tumawa.
“Crush mo siguro ako ‘no?” naka ngising tanong niya sa akin, Ako naman ang tumawa ngayon dahil sa sinabi niya sa akin.
“Medyo lang miss,” naka ngising sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa sinabi ko.
“Sorry, hindi ko type ang mga boyfriend na,” naka ngising sagot niya sa akin kaya na atwa ako nang malakas sa sinabi niya.
“Wala pa bang nanliligaw sa’yo?” tanong ko sa kanya. Napa tingin naman siya sa akin at bahagyang ngumisi kaya naningkit ang mata ko sa ginawa niya.
“Sa tingin mo?” naka ngising tanong niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.
“Meron na ba?” tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya at bahagyang umiling.
“Wala pa, tsaka ayokong mag jowa ng taga rito. Kapag nag jowa ako ng taga rito isa lang ang ibig sabihin non, makukulong lang din ako rito,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya sa akin.
“Tama ka, dahil naka depende sa lalaki ang magiging kalagayan niyon sa future, dahil kung mahirap ang lalaki at mayaman ka, you will be forced to live on the level of your husband’s lifestyle,” sagot ko sa kanya. Tumango naman si Harmony sa sinabi ko at bahagyang napa iling.
“Kaya ang balak ko mag apply ako bilang secretary sa isang kumpanya tapos i seduce ko ang boss ko, office romance ganon,” naka ngising sagot niya sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling.
“Fantasy,” sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa sinabi ko.
“Of course,” naka ngising sagot niya sa akin kaya bahagya akong napa iling.
“Tara, kain muna tayo,” sambit ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at hinila ako papunta sa bilihan ng mga street foods.
“Libre mo ako,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at sinenyasan ko na siyang kumuha ng gusto niya.
“Na iisip ko paano kapag yumaman na tayo? syempre dadalaw dalaw nalang tayo rito sa probinsya,” naka ngising sagot ni Harmony sa akin. Napa ngiti naman ako sa sinabi niya at bahagyang tumango.
“Kapag yumaman ka, Harmony? paano ka naman yayaman aber?” napa tingin kami sa babaeng nag salita at na kita ko na isa ito sa mga tiyahin ni Harmony na matapobre dahil lang sa nakaka angat sila sa buhay.
“Bakit ko sasabihin tita? edi kinontra mo?” sagot sa kanya ni Harmony. Na tawa naman ako sa sinabi ni Harmony.
“Aba’t bastos ka, nag tatanong lang ako. Kaya hindi kayo umuunlad mag papamilya dahil masasama ang ugali ninyo, hanggang diyan nalang kayo,” sagot niya kay Harmony. Sasagot na sana ako pero pinigilan ako ni Harmony.
“Ako na,” naka ngiting sagot ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa kanya at napa buntong hininga.
“Naka angat angat ka lang sa buhay dahil sa gina gawa ni tito, ganyan kana tita. Baqka akala mo hindi ko alam ang dahilan kung bakit kayo naka angat nang kaunti sa buhay? gusto mo bang putulin ko ‘yang kayabangan mo at ibaba kita sa lupang inaapakan namin ngayon?” pag babanta ni Harmony dito. Tumaas naman ang kilay nito at hindi na naka sagot pa.
“Good, huwag ka nang sumagot kasi alam ko naman wala kang ma sasagot sa akin,” sagot ni Harmony dito.
“Kakarmahin ka rin, tignan mo,” sambit nito kay Harmony pero inirapan lang naman siya ni Harmony.
“Evil eye talaga siya,” naiiritang sambit ni Harmony sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling.
“Pabayaan mo na ‘yang tita mo na walang ma gawa sa buhay,” sambit ko sa kanya. Tumango naman si Harmony sa sinabi ko.
“Ano pa nga ba?” naka ngiwing sagot ni Harmony sa akin kaya naman sinubuan ko nalang siya nang kwek kwek para gumaan ang pakiramdam niya.