“Ano?! nanliligaw na sa’yo si Nashton?” naka taas ang kilay na tanong ni Harmony sa akin. Pinandilatan ko naman siya nang mata at nag banta nang tingin. agad naman niyang tinikom ang bibig niya.
“Oo, nung nakaraan lang, nag pa alam siya kina mama,” sagot ko sa kanya. Agad naman siyang sumimangot sa sinabi ko.
“Tapos hindi nag pa alam sa akin?” naka taas ang kilay na tanong niya sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya.
“Biglaan lang din, bak akapag pumunta ulit siya rito ka usapin ka niya,” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.
“Mas nauna ka pa magkaka boyfriend sa akin, hindi ako maka paniwala,” naka ngiting sambit ni Harmony sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang umiling.
"Ano ka ba? hindi pa naman sure kung sasagutin ko si Nashton," sambit ko sa kanya. Napa tingin naman siya sa akin.
"Bakit? wala kang balak na sagutin siya?" naka taas ang kilay na tanong ni Harmony sa akin. Na para bang sobrang laking kasalanan ang gagawin ko kung hindi ko sasagutin si Nashton.
"Wala naman akong sinabi," naka ngising sagot ko sa kanya. Napa buntong hininga naman siya sa sinabi ko kaya bahagya ko siyang hinampas at tinawanan.
“Kinabahan ako ron ah? akala ko hindi mo siya sasagutin,” sambit ni Harmony sa akin. na tawa naman ako sa kanya at bahagyang napa iling.
“May balak naman ako ano ka ba? hindi ko naman siya papayagang manligaw kung ayoko sa kanya,” sagot ko sa kanya. Napa tango naman siya sa sinabi ko.
“Sabagay, hindi mo rin naman siya papayagang maka lapit sa’yo kung wala siyang chance sa’yo,” sagot ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
“Tara na, baka ma late pa tayo sa trabaho,” sambit ko sa kanya. Napa nguso naman siya sa sinabi ko dahil nag lalakad lang kami ngayon pa pasok sa hotel.
“Ayoko na mag trabaho rito,” naka ngusong sambit niya sa akin. Na tawa naman ako sa kanya.
“Pwede ka naman nang lumuwas ng maynila, pinayagan kana hindi ba?” naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Tumanho naman siya sa sinabi ko.
“Oo, pero ang ka sama ko na ikaw? hindi ka naman pinayagan, so anong gagawin ko roon?” naka ngiwing tanong niya sa akin dahilan para ma tawa ako sa sinabi niya.
“Wala eh, ayaw ni mama, wala tayong magagawa. Kung anong gusto ni mama, iyon ang sinu sunod ni papa,” na iiling na sambit ko sa kanya. Napa buntong hininga naman siya sa sinabi ko.
“Nakaka sakal siguro ‘no?” naka ngiting tanong niya sa akin. Hindi naman ako nag alinlangang tumango sa kanya dahil nakaka sakal naman talaga.
Ang tagal ko nang na raramdaman na na sasakal ako sa paraan ng pag mamahal ni mama pero ayoko lang aminin sa sarili ko dahil ayokong ma realize ko kung gaano iya nakaka sakal mag mahal.
“Ang hirap kumilos, kailangan lahat ng gagawin mo aayon sa gusto niya,” na iiling na sambit ko kay Harmony. Tumango naman siya sa sinabi ko.
“Kailangan mo nang kumawala sa ganyan Isleigh, dahil kapag pa tuloy mo lang si tita na gina ganyan ka, mas lalong hihigpit nag kontrol niya sa’yo,” sambit ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling.
“Tama ka naman,” naka ngusong sambit ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at bahagya kong tinapik ang balikat niya.
“Huwag ka ngang ma takot na ipag laban ang gusto mo, matanda ka na Isleigh, ang gusto mo ang dapat na ma sunod,” naka ngiting sambit niya sa akin. Tumango naman ako sa sinai niya at bahagyang ngumiti.
“Tama ka naman,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin.
“Nandito lang ako para sa’yo, susuportahan kita sa lahat ng gusto mong gawin,” naka ngiting sagot ni Harmony sa akin. Napa ngisi naman ako sa sinabi niya at inakbayan ko siya.
“Ano nalang ang gagawin ko kung wala ka sa buhay ko?” naka ngising tanong ko sa kanya. Na tawa naman siya sa akin at kinurot niya ang pisnge ko.
“Mahihirapan ka syempre, ako lang naman ang nag iisang kaibigan mo,” naka ngising sagot niya sa akin. na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling. Tama siya sa sinabi niya kaya naman nag papa salamat ako na ayaw niyang tumuloy sa maynila nang siya lang mag isa dahil siguradong mahihirapan ako rito kung aalis siya.
“Buti nalang talaga ayaw mong mag maynila nang mag isa,” naka ngiting sambit ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin.
“Syempre, kailangan ikaw ang ka sama ko sa mga dapat na gagawin ko, magka sama tayo sa hirap at ginhawa,” naka ngiting sambit niya sa akin. Napa ngisi naman ako sa sinabi niya at sabay kaming pumasok sa staff’s room at nag in kami.
“Muntik na tayong ma late, isang minuto nalang,” naka ngising sambit ni Harmony sa akin. Kung mangyari man iyon ay iyon ang una kong late sa buong pag ta trabaho ko rito sa hotel.
“Sanay ka naman nang na lelate,” naka ngising sagot ko sa kanya. Na tawa naman siya sa sinabi ko.
“Alam mo ba na walang bawas ang sweldo ko kahit na lelate ako?” naka ngising tanong niya sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya nang may halong pag tatakha.
“Anong ibig mong sabihin?” naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“Hindi ko rin alam pero andami kong late pero ni isqa walang kaltas sa trabaho ko,” mahinang bulong niya sa akin habang nasa staff’s room kami. Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Hindi ba ang visor ang namamahala sa ganyan?” tanong ko sa kanya. agad naman siyang tumango sa sinabi ko.
“Oo girl, kaya nag tatakha rin ako bakit walang bawas sa sweldo ko, hindi ko nalang ni rereport dahil baka ipa bayad sa akin ang mga hndi na kaltas sa sweldo ko,” naka ngiwing sambit niya sa akin. Napa buntong hininga naman ako sa sinabi niya.
“Ano naman kayang dahilan ni Visor,” naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Agad na nag kibit ng balikat si Harmony sa sinabi ko.
“Baka dahil gusto ka, nagpapa lakas?” naka taas ang kilay na tanongb niya sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya.
“Imposible ‘yang sina sabi mo, dahil baka sa’yo siya may gusto,” sagot ko sa kanya. Agad naman siyang napa iling sa sinabi ko.
“Imposible dahil lahat kami napapansin na gusto nka talaga ni Visor, tsaka kaya siguro hndi kina kaltasan ang sweldo ko dahil kaibigan kita, at wala ka naman palaging late kaya naman sa akin nagpapa lakas para ilakad ko siya sa’yo,” naka ngising sagot ni Harmony sa akin. agad naman akong umiling sa sinabi niya at agad siyang inirapan.
“Tigil mo ‘yang kalokohan mo,” na iiling na sambit ko sa kanya. Napa buntongb hininga naman siya at malalim na nag isip.
“Pero napapa isip talaga ako bakit niya gina gawa iyon,” naka ngusong sambit niya sa akin.
“Baka na aawa lang sa’yo, tsaka tigilan mo na rin pagiging late mo, baka sumbat pa ang aabutin mo kapag nagka taon sa kanya,” sambit ko kay Harmony. Tumango naman siya sa sinabi ko.
“Oo nga eh, hindi na talaga ako nagpapa late rin, bagong buhay na,” sagot ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya.
Habang hndi pa kami tina tawag sa shift namin ay inayos ko muna ang mga kagamitan sa loob ng staff’s room.
“Oh buti hindi ka late ngayon, Harmony?” naka ngising tanong ni Visor sa amin pagka pasok niya sa staff’s room kung saan kami ni Harmony ngayon. Napa tingin naman ako sa kanya nang kaswal itong nag tanong kay Harmony.
“Ka sabay ko po kasi si Isleigh, sir,” naka ngiting sagot ni Harmony. Tumango naman si Visor sa sinabi ni Harmony. m
“Edi palagi na kayong mag sasabay niyan?” naka ngiting tanong niya sa amin. Ako naman ang tumango rito.
“Yes sir, sabay kami palagi para hindi na siya ma late,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at bahagyang ngumiti.
“Mabuti naman, mag meryenda muna kayo, nag request ng ot ang mga empleyado, dating gawi hndi naman makakaltasan ang sweldo niyo” sambit ni Visor sa amin. Tumango naman kaming dalawa ni Harmony at nagpa salamat dito. #
#
Pinanood ko itong umalis ng staff's room at tinignan ko ang pagkaing iniwan niya para sa aming dalawa ni Harmony at bahagyang napa buntong hininga.