Two years later... "Huwag mong kakalimutan na tumawag," naka ngiting sambit ni mama sa akin. Tumango naman ako sa sinabi ni mama at agad ko siyang niyakap. "Ma mimiss ko kayo mama," naka ngiting sambit ko sa kanya at niyakap ko siya nang ma higpit. Hindi ko na napigilan ang pinipigilang iyak ko. Kanina pa ako na iiyak dahil ngayon na ang alis namin ni Harmony papunta ng maynila para mag hanap ng trabaho. "Mamimiss ka namin, huwag mong kalimutan dumalaw kapag wala kang trabaho sa maynila, huwag mong papabayaan ang sarili mo, naku baka talagang iuwi kita rito," sambit ni mama sa akin. Bahagya naman akong na tawa sa sinabi ni mama at napa iling. "Si mama talaga," na iiling na sambit ko sa kanya at kumalas na ako sa yakap at si papa naman ang hinarap ko. "Hindi mo man lang ba ako yaya

