NATULOG na agad kami noon ni Chaos. Maaga pa raw bukas dahil may pupuntahan pa daw kami. Paggising ko ay bumaba na agad ako. Binibiro lang pala ako ni Chaos kagabi na magtatabi kami sa kama. As if naman na papayag ako noh? Ahaha. As always, naabutan ko itong nagluluto sa kusina. Wala ang mga katiwala at maging si Lolo ay wala Rin. Nasaan sila? Humarap agad ito sa akin nang mapansin nitong may paparating. Kaagad na sumilay ang parehas na ngiti sa aming mga labi nang makita ang isa't- isa. Ibinaba agad nito ang hawak na sandok at ginawaran ako ng mahigpit na yakap. Mamayang hapon na kase ang uwi naming Fabian dahil sa may pasok pa kinabukasan. “Nasaan si Lolo?”, unang tanong ko sa kanya pagkaupo pa lamang. “Nasa kwarto. Hindi pa magaling ang sugat niya sa tagiliran. Pero kumain n

