CHAOS' POV Isang araw na naman ang lumipas pero hindi pa din ako pinapansin ni Bella. Halos liparin na ang mga papeles na pinipirmahan ko sa kaiisip sa kaniya. “Sir, o-okay lang po ba kayo?,” aniya ng aking Architect na si Tomas. Tinignan ko itong muli. Hindi na siya fresh graduate at sa pagkakatanda ko pa ay limang taon na siyang Architect ni Papa pero look at him, nerbiyoso pa din. Kulot ang itim na buhok nito at nakapang corporate attire pa ito. Nabaling agad ang aking mga mata sa mga kamay nitong nasa mesa, nanginginig iyon sa hiya or takot? Para tuloy siyang nagisa sa sarili niyang mantika. “Are you okay, Architect?,” naguguluhan na may halong kabang tanong ko. Binawi agad nito ang tingin sa akin at itinago na agad ang dalawang kamay sa ibaba ng mesa. Ngumiti ito nang pilit sa

