UMIRAP ako sa kawalan habang ang kanang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa aking beywang. Dinala na nito ang aking maliit na bag at pinatay ang phone ko dahil may isang taong kanina pang tumatawag roon. Napatingin akong muli sa aking paa. I hate sandals talaga ansakit na niya sa paa. Dahan-dahan kaming naglalakad habang inaalalayan niya ako papunta sa aming room. Pagod na pati ang mga mata ko. Gusto ko na matulog. Rinig na rinig pa ang pagtunog ng susi niya nang buksan nito ang pintuan. Nakakabaliw ang amoy nito lalo na noong pagkapasok ay binuhat agad ako saka inihiga sa malambot na kama. Naramdaman ko ang pagdantay ng mga daliri niya sa aking paa at pinagtatanggal ang suot kong sandals. “Why do you wear this kind of stuff? Pulang pula ang paa mo.” Pagrereklamo nito. Napangisi

