BELLA'S POV MAAGA akong nagising dahil Lunes na at magkikita na naman kami ni Ms. Tubera. Naalala ko agad ang plates na tinapos ko kahapon, at naroroon na sa bag ko. Dali-dali kong itali ang aking buhok pataas saka muling tinignan ang sariling repleksyon sa salamin. Nang nakuntento na ay agad na akong lumabas ng kwarto ko. Maaga akong aalis ngayon dahil magkikita kami ni Adam. Sa totoo lang ay nag-aalala ako sa kanya noong gabing iyon. “May problema ba?” Nakatingin lang kase ito sa akin. Hindi ko maintindihan pero parang may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya yinakap ko na lang ito. “Salamat.” Halata talaga ang slang nito sa pagkakabigkas pa lang. We stayed for seconds habang magkayakap at doon ko lang nakitang umiyak ito. Tula

