HINDI ako nakaangal noong nagsabi itong isasama raw ako sa San Juan Beach Resort. Ilang pilit pa ang ginawa niya sa akin bago ako pumayag. Nagparinig pa ito ng kung anu-anong mga pwedeng gawin roon like eating, surfing and snorkeling. Dahil doon ay hindi ko na napigilang lumiwanag ang mga mata nang marinig iyon. Pagkatapos kumain ay binigyan ako nito ng oras para mag-impake at dalhin lahat ng kailangan ko roon dahil isa't kalahating araw ang itatagal namin. Mula sa condo ay bumyahe na kami papuntang La Union. Nangingiti ako habang inililibot ko ang mga mata sa bawat puno at daanang nalalagpasan namin. Hindi ko maiwasang kiligin dahil ang astig lang ng Mercedes-AMG GT Roadster nito. Nakashades pa kaming parehas habang nakikinig sa musikang gusto nito. At saka nililipad ang mahabang buhok

