PAGKAPASOK ay isang mahabang lamesa at madaming upuan ang bumungad sa amin. Parang nasa conference lang ang datingan at halos pati glass wall ay bulletproof. Lumakad pa kami papasok at bumungad ang isang maliit na sala at nasa tapat nun ay isang breakfast bar. Sa tabi ay may malawak na sala na kitang – kita ang view sa labas. May isang pintuan rin sa tapat nun na sa tingin ko ay iyon na ang kwarto at sa tabi ay comfort room. Para tuloy akong nasa ibang bahay dahil sa moderno at kaakibang style even furnitures na naririto. Nilingon nila kong muli at iginiya na umupo sa sala. Kinakabahan ko silang tinitigan habang tumutulo pa ang dugo sa kanilang mga braso at mukha. “Oh my God!” Naalarma sila sa aking paglapit at isa- Isa ko silang pinunasan. Nakakahilo pati ang amoy ng kanilang dugo.

