"Logan, sure ka bang bibilhin mo 'to?" Tanong ko kay Logan. Nandito kami ngayon sa counter para bayaran yung couple shirt. "Bakit ayaw mo ba?" Tanong niya. Eh gustong-gusto ko nga. Hindi nalang ako sumagot. Pagkabayad niya ay lalabas na sana kami kaso hinarang kami nung isang sales lady. "May photo booth po kami dun para sa mga couples. Baka gusto niyo pong i-try. Tara po, sunod kayo sa 'kin." sabi niya sa 'min. Sumunod kami sa kaniya at may couple lang na kakatapos magpapicture kaya kami agad ang sunod. Nakakahiya naman. Hindi naman kami ni Logan eh. "Sir, akbayan niyo po yung girlfriend niyo." Sabi nung isang lalaki kaya nanlaki ang mata ko. "Hala! Hindi niya po ako girlfri--" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla akong akbayan ni Logan. Gulat kong tinignan si Logan

