Chapter 7: Flowers and Medicines

1054 Words
Buti na lang Saturday ngayon at walang pasok. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero antok na antok talaga ako. Ramdam ko rin ang kirot ng mga paa ko dahil sa nangyari kagabi. Naglakad lang naman kami ni Logan nang napakahaba at muntik niya pa akong iwan dahil sa sobrang bagal ko raw mag lakad. Medyo hilo pa man din ako kagabi dahil nga sa pagkakatama ng bola sa akin. Pero ang mas nakakainis, may malapit pala na sakayan ng jeep doon sa lugar na pinuntahan namin. Naglakad pa kami nang napakahaba at saka lang kami nakasakay nang malapit na rin kami sa school. Grabe! Masaya naman 'yung art camp dahil kasama ko si Logan pero mas marami yata 'yung kamalasan na nangyari sa akin. Sakit ng katawan ang inabot ko. Nag unat-unat ulit ako. Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Dahan-dahan kong inabot 'yon mula sa side table ko. Si Ate Cassie pala ang tumatawag. "Hello." "Hello, Beth. Sorry sa nangyari kagabi. Hindi namin namalayan na wala pa pala kayong dalawa ni Logan sa bus kaya naiwan kayo. Sorry talaga," sabi niya. "Okay lang, Ate Cassie," sagot ko. "Kamusta kayo ni Logan? Maayos ba kayong nakauwi?" tanong niya. "Buong-buo kaming nakauwi ni Logan kaya wag na kayo mag-alala." Tumayo ako at nagpunta sa CR para maghilamos. "Buti naman. Ano ba kasing nangyari? Bakit bigla kayong nawala ni Logan kagabi?" pang-uusisa niya. "Naramdaman ko kasi na wala sa'kin 'yung necklace na binigay sa'kin ng mama ko." Napahawak ako sa necklace na nasa leeg ko. Napangiti ako nang maalala kung paano isinuot sa'kin ni Logan 'to. "Kaya ayun, binalikan ko sa kwarto hanggang sa makarating ako sa playground. Nagulat na lang din ako nang makita si Logan do'n," dagdag ko. Narinig ko ang tawa ni Ate Cassie. "E 'di nasolo mo si Logan kagabi?" "Parang gano'n na nga," sagot ko. "Naks! O, sige, kwentuhan na lang tayo sa Monday. May inuutos kasi sa'kin 'yung kapatid ko. Bye, Beth! Pahinga ka." Pagkatapos namin magpaalam ay binaba ko na ang tawag. Tumunog naman ulit ang cellphone ko at si Sindro naman ngayon ang tumatawag. "Hello, Sind--" "Beth, anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? Nasaan ka ngayon? May nangyaring masama ba sayo? Ano--" Hindi ko na siya pinatapos. Grabe ah! Sunod-sunod mga tanong niya. "Sin, ayos lang ako. Buong-buo ako nakauwi. Buhay pa ako at kumpleto pa ang parte ng katawan ko." Natatawang sagot ko sa kanya. "Buti naman. Pero nag-alala talaga ako sa'yo," aniya. "Teka, kanino mo pala nalaman na naiwan kami ni Logan?" tanong ko sa kanya. "Inantay kaya kita kagabi sa school at nang sinabi nila na naiwan kayong dalawa ni Logan ay gustong-gusto ko na talaga kayo sunduin." "Sus, hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Pero thank you sa pag-aalala. Bestfriend talaga kita," sabi ko. "Bestfriend. Bestfriend mo ako at gagawin ko ang lahat para lang mapanatiling ligtas ka." Napangiti ako. Napakaswerte ko talaga sa mga kaibigan ko, lalo na rito kay Sindro. Pero bakit gano'n? Parang may bahid ng lungkot ang boses niya? "Sindro, okay ka lang ba?" tanong ko. "Huh? Oo naman. Bakit?" "Ah, mabuti naman. Sige, mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Kakain muna ako." Pagkatapos ng pag-uusap namin ay lumabas na ako ng kwarto ko dahil tinawag ako ni mama. "May masakit pa ba sayo? Kumain ka muna dyan," sabi ni mama at pinaupo ako. "Thank you, po," sabi ko at nagsimulang kumain. Nakita ko naman si papa na kakalabas lang ng kwarto. "Anak, gising ka na pala. Kamusta naman ang art camp niyo?" tanong sa akin ni papa. "Masaya po, pa," sagot ko. "Sino pala 'yung Logan? Siya 'yung kasama mo kagabi diba? Wala ba siyang ginawang masama sayo?" tanong ulit ni papa. Tumingin ako kay papa at ngumiti. "Pa, classmate ko po 'yon si Logan at mabait na tao po siya. Matalino din po pati talented at higit sa lahat ay...pogi," sabi ko. Tinignan naman ako nang masama ni Papa. "Bakit, pa?" tanong ko at uminom ng tubig. "May gusto ka ba sa kanya?" Dahil sa pagka bigla ay naibuga ko ang tubig. Aish! Next time nga hindi muna ako iinom ng tubig pag may mga ganitong usapan. "Papa naman eh!" "Ano? Mahal mo ba 'yung lalaking 'yon?" Ay grabe si papa. Mahal agad? "Mahal agad? Diba pwedeng crush muna?" tanong ko sa kanya. Magsasalita pa sana si papa nang may marinig kaming kumakatok sa gate namin. "Teka, titignan ko muna kung sino 'yon. Kumain lang kayo dyan," paalam ni mama at nagmadaling lumabas. Pagkabalik niya ay nanlaki ang mata ko dahil may dala na siyang bouquet ng white rose at mga gamot. "Mama, para kanino po 'yan?" tanong ko. Hala, may manliligaw ba si mama? "Para sayo daw eh." aniya. "Talaga?!" Agad akong tumayo upang lumapit kay mama at kunin 'yung mga dala niya. "Kanino galing 'yan?" tanong naman ni papa. Hinanap ko kung may card ba na nakaipit pero wala. "Wala pong nakalagay eh," sagot ko. Sinilip ko naman 'yung plastic na may mga laman na gamot para sa sakit ng ulo at katawan. Wait! Baka naman si Logan nagpadala nito. Napatakip ako ng bibig at nagmadaling pumasok sa kwarto ko. Parang nawala bigla 'yung sakit ng katawan ko. Hindi ko na naman napigilan na magtatalon-talon sa kama ko. Ngunit, tumigil din ako nang maalalang kakakain ko lang pala. "Sinasabi ko na nga ba at may tinatagong ka-sweet-an din sa katawan 'tong si Logan eh. Concern din pala siya sa'kin." Halos mapunit ang labi ko habang tinitignan ang mga pinadala niya. Ang ganda no'ng bulaklak. Kinuha ko 'yung vase na nasa side table ko at nilagay ang mga bulaklak doon. Kinuha ko ang cellphone ko para picture-an 'yon. Sinubukan ko ring tawagan si Logan pero hindi niya sinasagot kaya ni-text ko na lang siya. To: Logan Hi, Logan! Nagustuhan ko 'yung mga pinadala mo. Thank you! Nahiga ako sa kama at pumikit. Akala ko wala ng pag-asa, meron pa pala. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita ko na nag-text si Sin. From: Sindro 'Wag mong kalimutan inumin 'yung mga gamot na pinadala ko. :) Hala! Ano raw? Tinignan ko ulit 'yung mga gamot at bulaklak. Galing kay Sindro ang mga 'yon?! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD