Chapter 43: Heart Donor

817 Words

Nagising ako kinaumagahan at nakita ko si mama at papa na magkayakap. Napatingin naman sa akin si papa kaya tumingin na rin si mama. Kunot-noo ko silang tinignan. Bakit sila umiiyak? Lumapit sila sa akin na parehong may malaking ngiti sa kanilang mukha pero napansin ko pa rin ang pagtulo ng luha ni mama at niyakap niya ako. "Ma, bakit po?" Tanong ko at agad siyang niyakap pabalik. Ilang segundo pa bago siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin at sumagot. "Nakausap namin ang doktor mo kanina at may ibinalita siya samin." Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano naman kaya 'yon? Hinawakan ni papa ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Beth, may heart donor ka na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni papa. Malaki pa rin ang ngiti niya pero tumulo na rin ang luha niya sa sobrang saya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD