Maru Nakalipas ang tatlong araw pati na din ang aming Christmas party sa school ay ginugulo pa din ako ni Rica, hindi ko din maiwasan na kabahan dahil sure akong iniwan ko yung diary sa drawer ko pero pagkagising naminng dalawa ay nasa study table ko na halatang may gumalaw. "Maru? " tawag pansin saakin ni mommy na ikina gulat ko. "Okay ka lang? " tanong niya ng may pag aalala saakin. "Opo mommy, ano po iyon? " "Maligo at maghanda ka na, aalis tayo ng lolo at lola mo. Mag shoshopping tayo for Christmas Eve. " sabi ni mommy na ikinatango ko saka pumunta sa kwarto ko. Tinatamad pa ko maligo kaya humilata muna ako sa kama, pinagmasdan ko yung diary na ikinababahala ko. Kung ibalik ko na lang kaya ito sa tunay niyang lagayan? Baka mahuli pa ko ni mommy at pagalitan. Hindi dapat ako kumuku

