Maru
Masasabi kong today is a happy day. Tiring but worth it. Yung ngiti sa mga mukha nila ay ang gaganda at tunay, lalo na yung kay mommy.
"Hindi ka pa ba antok baby? " tanong ni mommy habang buhat buhat niya si Rica papunta sa kwarto ko. Umalis na yung mga bisita namin dahil 12:09 na ng gabi, si Rica naman tutal wala parents niya dito sa pilipinas. Dito muna namin siya pinatuloy ngayon, pumayag naman sina tito Austin tutal ako naman ang naki usap. Ako pa lang daw, okay na okay na hahahaha.
"Onti po mommy. " tumawa naman siya at tinitigan si Rica na ang sarap ng tulog.
"She looks, peaceful mommy. "
"Yeah, magkamukha talaga kayo. "
"Sa color ng mata at ibang bahagi ng mukha lang kami nagkakatalo mommy. " natawa siya sa sinabi ko na ikina sang ayon niya.
"Eto ba kwarto mo apo? " tanong ni lola mama na nauna na pala saamin, tumango ako saka binuksan iyon at inayos yung kama ko. Malaki naman ito para saaming dalwa.
Natatawa nga ako kanina kasi pagod na pagod na si Peyton kanina, e nasa garden kami kaya piniggy back ride ko na papuntang sala.
"Yah. " hiniga na ni mommy si peyton bago pumunta sa cr ko para kumuha ng bimpo para punasan si Rica, si lola mama naman ay kumuha ng damit para maisuot kay Rica.
"Maru, wash your body bago ka matulog okay? "
"Yes mommy. " pumasok na ko sa cr at nag ayos ng sarili. Pagkatapos kong mag linis ng katawan at mag bihis ay tumabi na ko kay Rica na maayos na din pero kahit anong gawin ko ay hindi pa din ako makatulog.
Nawala bigla yung pagod at antok ko kaya bumaba muna ako sa kama bago lumabas para makapag timpla ng gatas. Nang nasa sala ako ay napahinto ako sa paglalakad kaya nag stay ako sa pinaka dulong stairs.
"Kumusta yung dalawa? " tanong ni lolo papa kina mommy bago umupo din sa sala.
"Okay na sila, tulog na po papa. " sagot ni mommy at uminom nung wine.
"May tanong kami sayo anak. "
"Ano po yun? "
"Wala ka bang balak sundan si Maru? " nagulat ako sa sinabi ni lola mama, miski si mommy ay nagulat din bago tumawa ng mahinahon. "Wala na yung asawa ko, mama. To be honest, ang bumubuhay na lang saakin ay si Maru. "
Kasal talaga si mommy kay Astrid! Iba talaga ang feeling pag sa bibig talaga ni mommy nanggaling yung salitang asawa nakaka gaan ng loob at napaka saya ko ata? Hindi kaya si Astrid, siya yung nag dadala ng anak ni mommy?
"Madaming babae o lalake diyan anak. Si Pamela, she loves you right? " nagulat ako sa sinabi ni lolo papa, mama Pam?? May gusto kay mommy?
"Pamela is... a close friend of mine only. Walang makakatumbas kay Astrid mama, sinama ko na yung puso ko kay Astrid. " seryosong sabi ni mommy.
"Pero hindi iyon ang hiling niya sayo Maureen. "
"Alam niyo? "
"Kinausap niya din kami Maureen. Hining niya yung blessings, pagmamahal at pagtanggap para sainyo ng anak niyo. " seryosong sabi ni lola mama.
"At kapag may nangyari sakanya, sana mag mahal ka pa din daw ng iba. " nalulungkot na sabi ni lolo papa bago bumuntong hininga.
"Kaya ngayon, may regalo kami sayo. "
"Our gift is simple and late na, super late. " sabi ni grandma habang nag hawak kamay sila ni grandpa bago ngumiti ng malungkot.
"Our gift is acceptance, to you and to your wife 'Astrid'. "
Yung last part na sinabi ni lola mama ay mahina pero sapat lang na marinig nilang tatlo. I know, eavesdropping is bad pero alam niyo naman na curiosity kills us.
"Astrid is a very amazing woman, she is very strong and beautiful. " pag pupuri ni lola mommy na ikinangiti niya, yung ngiting inlove.
"She's a goddess mama, tanga lang talaga ako para hindi siya paniwalaan. " puno na hinanakit na sabi ni mommy saka bumuntong hininga. "We should believe and hear our hearts not the anger and pain. "
"Huwag rin sa sulsol ng ibang tao. " seryosong sabi ni lolo papa.
"Paano mo natanggap si Maru? " tanong ni lola mama na ikinakaba ko. To be honest i'm afraid. Takot ako sa sasabihin nila dahil ampon lang ako.
"My heart, my whole body, my brain, and my soul. Fully accept her. "
Gusto ko pa sana makinig kaso tinabihan ako ni Rica saka umiling.
"Bad ka din pala. "
"I'm not bad Rica, sa tingin ko may karapatan ako malaman yung nga sinasabi nila. " bulong ko din dito.
"Sasabihin din nila iyon kung meron talaga Maru, tara na sa room mo baka mahuli pa tayo. " tumango na lang ako at dahan dahan kami bumalik tutal hindi ko na alam kung ano pinag uusapan nila saka bigla akong na konsenya dahil sasabihin din naman nila iyon saakin soon.
"Kanina ka pa ba doon? " tanong ko sakanya ng makahiga kami ulit sa kama ko.
"Yes, I even heard all you heard. "
"So, you eavesdrop too. " inirapan niya ko na ikinatawa ko, bad ka din pala huh.
"My curiosity said to me that i should stay and listen nung narinig ko yung pangalan ni tita pero nakonsenya agad ako so i stop na. " bigla akong napa bangon at tumingin sakaya nung sabihin niya iyon.
"W-wait, ano nga ulit name ng tita mo? " nanginginig na tanong ko, is it possible na iisa lang talaga yung tita ni Rica at asawa ni mommy?
"Astrid Raeka Silvestre, why? " takang tanong niya. Possible! Kasi yung second name niya at second name ko is iisa lang, saka kinuha nga ni mommy second name ko sakaniya e. Oonti lang naman siguro na tao mag same same ng names noh saka her name is a unique one.
Pagkasabi niya yon ay biglang nag flash sa isip ko yunh pinakitang picture ni Rica ng tita niya nung nasa bahay niya kami, bigla ko naalala na may picture sa diary ni mommg kaya agad ko ito kinuha at tinignan.
"Oh my gosh. " nabitawan ko yung picture na hawak hawak ko pati na din yung diary kaya nag sihulugan ang mga pictures doon.
"What is it? " bumababa din siya sa kama at pinulot yung unang picture na nahulog na ikinagulat niya din bago tinignan pa yung ibang pictures.
"Bakit naandito si tita Astrid? "
––