Maru
Astrid Raeka.
Simula nung kinuha ko tong diary mula sa dulong kwarto at kung saan lagi umiiyak si mommy, ang nag pagulo sa isipan ko at saakin. Pati na din yung name na yun, feeling ko talaga kahit hindi ko siya kilala may malaking parte siya sa pagkatao ko kase sobrang lake ng parte niya kay mommy. Para bang kalahati ni mommy ay nasa kanya.
Sino ka ba talaga at nasaan ka? Iniwan mo ba si mommy? Ano nangyari sainyo? Baket? Patay ka na ba talaga? May kutob akong hindi pa e dahil hanggang ngayon feeling ko buhay na buhay ka pa o ala ala mo na lang? Sadyang namimiss ka lang ng mga tao dito?
Napa buntong hininga na lang ako at pinatitigan yung diary na nasa kama ko. Ang laki ng naging epekto mo sakin.
"Astrid... Raeka.. " Ano ba apilyido mo? Ano yung S mo? Tama nga si mommy, ang ganda ng Hortillano sayo. Bagay na bagay, siguro kayo din ni mommy bagay na bagay noh? Ang ganda siguro nang pag sasama niyo kaya ang daming naiinggiit.
Paano kaya pag nagkaroon kayo ng anak ni mommy? Nabuhay kaya siya? Tas buhay ka din at hindi ka na nawala, siguro sobrang saya ni mommy. Makikilala pa niya kaya ako? Mamemeet ko ba siya?
Ang hirap sabihin.
Bigla ko tuloy naalala na may tita si Rica na ang pangalan ay Astrid, bigla tuloy nag flash saakin yung mukha niya. Yung picture na pinakita saamin ni Rica nung nasa bahay niya kami, kailangan ko maka kita ng picture ng Astrid na naandito sa diary ni mommy para makumpirma ko na iisang tao lang talaga sila kahit may kutob na ako.
"Ah! " may picture doon sa pinaka una!! Binuklat ko kaagad yung diary, naalalala ko na may picture nga dun dahila ayun yung unang una kong nakita. Dahil ayoko na din naman bumalik sa kwarto na yun, baka mahuli pa ako ni mommy.
"Oh.. My.. pepperoni. " napatakip na lang ako ng bibig ko ng makita yung picture.
Hindi kayaa? iisa lang yun Astrid na tita ni Rica at Astrid sa buhay ni mommy? Kamukhang kamukha kasi, parehas silang blonde. Yung brown eyes, yung lips, yung nose, yung kortse ng mukha at katawan. Lahat lahat, iisa nga lang ata. Iisa ata!
Linapit ko pa sakin yung picture at hinawakan ko yung picture na para bang dinadama ko siya, parang ewan lang na may tumulong luha saakin at yung puso ko na parang ang saya.
"Hindi ako sure sa mga nakikita ko at sa mga na coconclude ko pero sana... sana–"
"Maru! " nang magbukas yung pinto ng kwarto ko ay agad kong binalik yung picture sa diary at linagay yung diary sa ibaba ng unan ko bago mag pahid ng luha.
"What's that? " turo ni mommy sa unan ko bago sinarado yung pinto at lumapit saakin.
"Wala po yun mommy. " kinakabahang sabi ko dito habang umupo doon.
"Maru, what's that? " turo niya dub sa likudan ko, oh my gosh. I'm dead kapag nakita to ni mommy.
It's stealing at privacy to ni Mommy.
"Maru. "
Saway nito saakin kaya hindi ko na alam ang gagawing ko, no choice ako na ipakita ito saakin dahil alam kong hindi titigil si mommy ng hindi ko pinapakita yung tinatago ko. Gosh i'm dead.
Baksak ang balikat akong humarap sa unan ko, ang lakas tuloy ng t***k ng puso ko. Kinakabahan talaga ako. Inangat ko ng kaunti yung unan ko at nakitang dalwa yung notebook, nabuhayan tuloy ako ng pag asa. Sinilip ko muna sa likod si mommy na naka crossed arms at nag hihintay. Kinuha ko yung isang notebook at tinago ng maigi yung diary.
Buti na lang talaga dito ko linalagay yung mga assignments ko na hindi ko pa nagagawa para kapag humiga ako at umunan ay mararandaman ko na may notebook pa sa ilalim ng unan.
Binigay ko iyon kay mommy kaya kinuha niya naman. "Assignment? "
"Yes mommy, nahihirapan po kasi ako gawing yung assignment sa math. " naka labi kong sabi dito para kapa kapaniwala. Nakokosensiya tuloy ako kasi nag sisinungaling ako kay mommy. Ngayon lang naman mommy, promise hindi na to mauulit.
"I can help you with this Maru. " sabi ni mommy at binuklat ito. Nag simula tuloy ako mag panic at tahimik na pinagdadasal na sana hindi pa chineckan yung assignment namin sa math nung isang araw. "Oh, na checkan na pala e. "
Oh my gosh.
"Three mistake is okay, Maru. Don't push yourself with this. " Kita yung sinseridad sa boses ni mommy kaya tumango na lang ako at naka hinga ng maluwag.
"Tara sa baba, mag bake tayo. "
"Really mommy!? Let's go!! " nauna na kong lumabas kay mommy pero naalala ko yung diary sa ilalim ng unan kaya dali dali akong bumalik sa kwarto ko at hinila si mommy.
Kailangan natin maging sure at mag lock na lagi ng pinto guys.
–
"Finish na! " sigaw ko ng mailagay namin ni mommy yung last na ginawa naming leche flan sa ref.
"May dessert na tayo. Ngayon naman, what's for dinner? " tanong saakin ni mommy habang nakatingin saakin. Linilinis ngayon nina yaya yung nga pinag gamitan namin.
"Ano po ba gusto niyo mommy? " balik tanong ko sakanya kaya napa isip naman siya, bigla siyang tumingin sa kalendaryo at ngumiti ng malungkot.
"You want lechon baboy? " excited na tanong niya saakin kaya tumango ako kaagad. Fave kasi namin yon ni mommy simula dati, pinapapapak pa nga namin yun e.
"Chef Maru and Chef Maureen are on again! "
––